Curfew violators sa Davao City pinalangoy sa kanal; Mayor Duterte sinabing hindi makatao ang parusa

  • Siyam na curfew violators sa Davao City pinalangoy sa maruming kanal
  • Tinawag ni Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi makatao ang parusang iginawad sa curfew violators
  • Nanindigan ang ilang barangay officials na tama lang ang kanilang ginawa

Nahaharap sa mga kaso ang ilang officials sa isang barangay sa Davao City matapos nilang palanguyin sa maruming kanal ang siyam na curfew violators. Ito ay matapos magsampa ng reklamo ang mga pinarusahan.

Screenshot mula sa GMA video

Nangangamba ang ilan sa mga pinalangoy sa maruming tubig ng kanal sa posibilidad na makakuha sila ng sakit dahil sa parusang iginawad sa kanila ng mga opisyal ng Barangay San Antonio.

“Ang dumi niyan. Sinabihan nila kami na mag-mask eh, mas matindi pa ‘yan kaysa sa COVID sa dami ng insekto,” ayon sa isa na kinilalang si Jay Lloyd Purisima.

“Nakainom kami ng tubig niyan. Single father ako tapos ito lang ang kinabubuhay namin ang pamamasada, kukunin pa nila,” ayon naman kay Frederick Matias.

Kinondena rin ni Davao City Mayor at Presidential Daughter Sara Duterte Carpio ang ginawa ng mga barangay officials. Aniya, hindi makatao ang ginawang parusa. Sana raw ay pinaglinis na lang ng kanal ang mga violators sa halip na pinalangoy.

“Palanguyin ang isang tao sa kanal? No, it’s not humane. What is humane is dapat pinaglinis sila ng kanal,” sambit ni Mayor Sara.

Screenshot mula sa GMA video

Nanindigan naman ang isang opisyal ng barangay na walang mali sa kanilang ginawa.

“Para sa amin tama ‘yon para maturuan sila ng leksiyon kasi kahit anong gawin na pakikiusap, hindi nakakaintindi,” ayon sa purok leader na si Lisa Paglinawan.

Inatasan na ni Davao City Police Office Director P/Colonel Kirby John Kraft ang hepe ng presinto ng pulisya na nakasasakop sa barangay na imbestigahan ang insidente. Napg-alaman na ilang Davao cops ang sangkot sa hindi makataong pagpaparusa.

Screenshot mula sa GMA video

Loading…