Dahil ‘di-sapat at mahina umano ang ebidensya, De Lima humirit ng piyansa

Image by Leila de Lima via Instagram
  • Sen. Leila de Lima, nagpasa ng aplikasyon para makapagpiyansa 
  • Nakasaad sa mosyon na walang sapat o malakas na ebidensya na nagdidiin sa Senadora sa ikinaso
  • Bagkus, pinatutunayan umano ng mga ebidensya na inosente si De Lima at maayos na nagampanan ang trabaho bilang DOJ Secretary

Naghain ng motion for bail ang kampo ni Sen. Leila de Lima nitong Lunes sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205.

Pahayag nila, malinaw umano na ipinapakita ng mga salaysay ng mga saksi ng prosekusyon na “no sufficient evidence, let alone strong evidence” sa Senadora.

Image by Leila de Lima via Instagram

“Instead of proving her guilt, the prosecution itself provided strong evidence of accused De Lima’s innocence and the regularity of the performance of her duties as then Secretary of Justice.”

Nag-ugat ang kaso sa alegasyong humingi ng P3-milyon at apat na sasakyan si De Lima mula sa New Bilibid Prison (NBP) inmate at drug lord na si Peter Co para sa pagtakbo nito sa Senado.

Kasama niyang akusado si Jose Adrian Dera na siya umanong humingi ng pera at sasakyan kay Co para rito.

Pero sabi ng kampo ni De Lima, “hearsay” lamang ito dahil nasabi rin ni Co na hindi siya nakipagkita o nakipag-usap nang personal sa lady Senator; walang nakapagpapatunay na may kinalaman ito sa transaction nina Co at Dera.

Hindi rin napatunayan na staff o kamag-anak ni De Lima si Dera.

Batay sa Manila Bulletin, nasabi ni Co na ang pera at sasakyan ay ibinigay kay Dera bilang ‘kabayaran’  sa pagdukosa pamangkin nito ng PNP anti-drugs unit ni Dera.

Image by Leila de Lima via Facebook

Nasabi man ni Co na nadeliber ang mga sasakyan, hindi nito na-identify ang mga sasakyan maging ang motor vehicle at license plate numbers, kaya’t kuwestiyonable kung talagang mayroong mga sasakyan.

Sakaling maaprubahan ang mosyon, hindi pa rin makakalaya si De Lima dahil may isa pa siyang kasong extortion at isang may kinalaman sabawal na gamot. Tatlong taon nang nakapiit ang Senadora.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Leila De Lima

Loading…