Dalawang bumibili sa tindahan, naispatang lumabag sa health protocols

  • Naispatan ang dalawang suking mamimili na lumabag sa health protocols sa isang tindahan
  • Makikita sa larawang ibinahagi ng isang netizen na hindi nasunod ang social distancing, kahit may mga bilog na palatandaan sa kalsada
  • Ang isang mamimili naman ay lumusot sa kabilang panig ng plastic cover na nagsisilbing shield o pananggalang para sa virus

Isa sa mga health protocols na kinakailangang sundin ng mga mamamayan ngayon, lalo na kapag nasa labas ng kani-kanilang mga tahanan ang social distancing. Mahalaga ito lalo na sa mga lugar na may posibilidad na magkumpulan ang mga tao. Kabilang na riyan ang mga tindahan o sari-sari store. Bukod sa social distancing, kinakailangan ding maglagay ng plastic cover sa harapan nito na magsisilbing shield.

Kaya naman, pinag-usapan ng mga netizens ang kumakalat na larawan ng dalawang suki sa isang tindahan, na malinaw na lumabag sa mga protocols na ito. Ang unang paglabag ay hindi pagtalima sa social distancing. Ang pangalawa naman, makikita ang isang babaeng lumusot pa sa harang na plastic cover habang bumibili.

Ibinahagi ito sa Facebook post ni Michael Salvador.

Imahe mula sa Facebook account ni Michael Salvador

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“DEAR CUSTOMERS, minsan ang sarap sabihing “Huwag mo po sirain yung plastic,’ kitang may nakalagay na nga na tape para hindi na doon ilulusot ang bayad eh doon pa rin ilulusot, mga mapanira…” turan ng isa.

Saad naman ng isa, “Tapos may matitigas pa rin ang ulo yung mask nasa baba,  yung totoo bagong pwesto na ba ng ilong at bibig yung baba mo? Minsan uso po magbasa, minsan uso rin sumunod.”

“Kaya nga po nilagyan iyan ng plastic para hanggang diyan lang po kayo. Hindi ninyo po kailangang lumusot diyan. Patunay iyan na simpleng common sense na nga lang, hindi pa magawa ng ilang mga Pilipino. Paano po tayo uunlad niyan bilang bansa?” sabi naman ng isa.

Hinihikayat ang publiko na sana ay huwag nang maging matigas ang ulo at sundin ang mga health protocols para na rin sa pansarili, pampamilya, at panlipunang kaligtasan para sa kalusugan.

Public Domain Image

Loading…