Dalawang Pinay kinilala sa Women of the Future Awards Southeast Asia

Image by Women of the Future Awards via Facebook
  • Dalawang Filipina ang nakatanggap ng pagkilala sa Women of the Future Southeast Asia Awards
  • Kinilala si Gigi Morris sa ilalim ng mentor category dahil sa kanyang adbokasiya sa agrikultura
  • Pinarangalan si Atty. Lucille Dejito sa kanyang kampanya kontra sexual exploitation

Dalawang Filipina ang pinarangalan ng Women of the Future Southeast Asia Awards ngayong taon. Ito’y bilang pagkilala sa pagpapakita nila ng mahusay na kontribusyon sa kani-kanilang mga larangan.

Image by Women of the Future Awards via Facebook

Layunin ng award-giving body na bumuo ng platform para makilala ang mga regional emerging leaders na hindi takot na kuwestiyunin ang stereotypes, “break boundaries at drive positive change with courage, hard work and determination.”

Pinarangalan si Gigi Morris, founder ng MoCa Family Farm RLearning Center, sa ilalim ng mentor category. Kinikilala sa ilalim ng kategoryang ito ang mga pinaka-maimpluwensiya at unsung heroes and heroines na nagpapalakas sa pipeline ng female talent sa rehiyon.

Ang MoCa Family Farm RLearning Center ay private extension provider ng Agricultural Training Institute at nagtuturo ng agrikultura sa mga magsasaka, rural women at mga kabataan.

Batay sa Inquirer, nasabi ni Morris noong Huwebes na natakot siya nang malamang makatatanggap siya ng pagkilala dahil sa kalakip nitong responsibilidad para ma-inspire ang mga kababaihan sa mas malaking platform.

Aniya, “But then I have to remind myself that the real women of the future don’t really run away from responsibilities. Instead, we embrace it and say, ‘bring it on.”

Image by Women of the Future Awards via Facebook

Samantala, kinilala naman ang abogadang si Lucille Dejito sa ilalim ng professions category.

Kinikilala sa kategoryang ito ang mga kababaihang may mahalagang kontribusyon sa kanilang propesyon kagaya sa batas, medisina, arkitektua, accounting, insurance at education.

Bantog ang abogada sa kanyang adbokasiya para masawata ang komersyal at online eksploytasyong sekswal sa mga bata.  Nagdulot na ito ng 83 convictions.

Karangalan ang hatid ng dalawang Pinay sa ating bansa. Congratulations!

Image by Women of the Future Awards via Facebook

Loading…