Danding Cojuangco Jr., hindi matatawaran ang kontribusyon sa PH politics, business, at sports

  • Minsan nang tumakbo sa pagkapangulo si Danding Cojuangco Jr.
  • Siya ang 15th richest na Filipino na may net worth na nasa $1.1-billion
  • Hinawakan niya ang tatlong koponan sa PBA
  • Yumao na si Danding noong Martes sa edad na 85 

Malaki ang naging ambag ni Eduardo “Danding” M. Cojuangco Jr., partikular sa larangan ng politika, negosyo at isports sa Pilipinas. Siya  ay naging chairman at chief executive officer ng San Miguel Corporation, may hawak ng tatlong koponan sa PBA, at naranasan na ring tumakbo sa posisyon bilang pangulo ng bansa.

Image by League of Municipalities of the Philippines

Sa paggunita ni Senator Sherwin Gatchalian kaugnay sa paglisan ni Cojuangco, na “Boss Danding” kung tawagin ng mga malalapit na kaibigan at associates, sinabi niya na ito ay ang-iwan ng  “sad void.”

“He was considered to be one of the country’s most successful industrialists. He was chairman and CEO of San Miguel Corporation (SMC), the largest food and beverage corporation in the Philippines and Southeast Asia. Boss Danding was also a sports patron who has made great contributions especially in basketball since the ‘80s,” dagdag niya.

Sa larangan ng politika, kilala siya bilang malapit noon kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Itinatag niya ang Nationalist People’s Coalition noong 1992 at kumandidato sa pagka-pangulo kung saan pumangatlo siya kay Pangulong Fidel Ramos. Naging gobernador siya ng Tarlac at naging congressman din.

Sa larangan ng negosyo, maliban sa San Miguel Corporation, siya ay naging Chairman of the Board ng Petron Corporations, mayroong private-cement manufacturing business at iba pang negosyo sa Australia.

Kinilala siya ng Forbes billang 15th richest Filipino na ang net worth ay tinatayang nasa $1.1-billion.

Bantog ang malaking suporta ni Danding sa isports partikular sa basketball. Sa pamamagitan ng San Miguel Corporation, hinawakan niya ang tatlong malalaking team sa Philippine Basketball Association; ito ang San Miguel Beermen, Barangay Ginebra San Miguel at Star Hotshots.

Image by Bombo Radyo Tacloban via Facebook

Siya rin ay naging key benefactor ng De La Salle Green Archers men’s basketball team.

Kinasal siya kay Soledad Oppen-Cojuangco at mayroon silang apat na anak na sina Tina, Lisa, Charlie at Mark.

Ang mga nagawa at kontribusyon ni Boss Danding ay mananatili na lamang bilang alaala para sa susunod na henerasyon. Namaaalam na kasi siya noong Martes, June 17, dahil sa pneumonia at heart failure.

Image by Sharon Cuneta via Facebook

Loading…