Demonstration kung paano gagawin ang distance learning, hiniling ni Sen. Tolentino sa DepEd at CHED

  • Hiniling ni Sen. Tolentino sa DepEd at CHED na magsagawa ng demonstrasyon kung paano gagawin sa bansa ang distance learning
  • Nangangamba ang senador na hindi sapat ang Skype, Zoom at Facebook para sa pag-deliver ng online education sa mga mag-aaral
  • Hinimok niyang gamiting ng DepEd at CHED ang platforms na ginagamit ng UNESCO at UNICEF sa distance learning

Hiniling ni Senator Francis Tolentino sa pamunuan ng Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na magsagawa ng demonstrasyon kung paano patatakbuhin ang distance learning para sa nalalapit na school opening.

Imahe mula sa Facebook Account ni Sen. Francis Tolentino

Sa hearing na isinagawa ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture nitong Huwebes, ika-11 ng Hunyo, hinikayat ni Sen. Tolentino ang DepEd at CHED na magsagawa ng demonstrasyon kung paano gagawin ang online classes dalawang linggo bago sumapit ang naka-schedule na pagsisimula nito  sa August 24.

“I am bit worried baka sa unang dalawang linggo sumablay po tayo dito, not because of the lack of competencies on the part of the teachers who will perform this but due to the proper software that will be utilized. Ano po bang software ang gagamitin?” tanong ni Sen. Tolentino.

“You have a menu of all the choices pero wala pa akong naririnig mula sa DepEd kung ano ang gagawin,” aniya.

Naniniwala ang senador na ang mga online platforms gaya ng  Skype, Zoom at Facebook ay hindi sasapat para sa online delivery ng edukasyon para sa mga mag-aaral. Hinikayat niya ang DepEd at CHED na humiungi ng tulong sa ibang pribadong grupo.

Imahe mula sa Pandaily

Aniya, dapat silang makipag-ugnayan sa United Nations Educational, Scientific, Cultural Organization (UNESCO) at United Nations Children’s Fund (UNICEF) upang magamit ang platforms na ginagamit nila sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

“Why don’t we take advantage of the existing platforms tailor-made by these international educational organizations. We must tie up with these big players para hindi na tayo mahirapan sa ating gagawing distance learning,” aniya.

“For instance, UNICEF has a learning passport supported by Microsoft to help the children of Ukraine, UNESCO has an institute for information technology and education to combat COVID-19 while Google has its Classroom that teachers can use to deliver learning materials to students,” dagdag pa ng senador.

Sinabi naman ni Secretary Leonor Briones na nakikipag-ugnayan na ang DepEd sa UNESCO at UNICEF.

“They are aware of what we are doing,” sabi ni Sec. Briones kay Sen. Tolentino.

Imahe mula sa DepEd

 

Loading…