DepEd maglalaan ng P700-M para sa internet ng 7,000 public schools

Imahe via DepEd Facebook
  • Maglalaan ng P700-M ang DepEd para sa internet connection ng mga eskuwelahan
  • Ito ang lumabas sa ulat na ipinasa ng Malakanyang sa Kongreso
  • Ang proyekto ay makukumpleto sa loob ng 10 buwan

MAYNILA, Pilipinas – Maglalaan ng P700-M ang Department of Education para sa internet connection ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa; ito ang lumabas sa ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso.

Ang ulat, na isinapubliko nitong Martes, ay bahagi ng mandato ng Bayanihan to Heal as One Act kung saan nakasaad dito na kailangang magpasa ng report ang Pangulo sa Kongreso tungkol sa mga ginawang hakbang at programa para labanan ang pandemiya ng COVID-1.

Imahe via DepEd Facebook

Ang naturang batas ay pumaso na noong Hunyo 25.

“It is also procuring internet connections for 7,000 schools to increase the total number of public schools with internet access. The completion of the project, which costs P700-M, will be in ten (10) months,” ayon sa ulat.

Nakasaad din sa report na nakikipagtulungan na ang Department of Communication and Information Technology (DICT) sa University of the Philippines Open University at UP College of Education para magsagawa ng Digital Teachers Training Program para sa mga guro sa lahat ng sulok ng bansa.

Imahe screenshot via Inquirer

Naghahanda na ang DepEd para sa sa ikinakasang ‘online learning’ o ‘distance learning’ sa darating na pasukan sa Agosto.

Subalit namomroblema ngayon ang maraming paaralan dahil sa kakulangan ng gadget tulad ng computer o laptop para sa mga guro; gayundin ang kawalan ng internet connection sa ilang lugar.

Inamin din ng ahensiya sa isang pandinig sa Senado kamakailan na aabot pa lamang sa 40% ng kabuuang 800,000 na mga guro sa buong bansa ang sumailalim na sa pagsasanay para sa ;distance learning’.

Loading…