Deployment ng tangke sa pagpapatupad ng lockdown sa Cebu City, kinuwestyon ni VP Robredo

Imahe mula sa Al Jazeera
  • Deployment ng tangke sa Cebu City kinuwestyon ni VP Robredo
  • Sa halip na military approach, dapat raw ay public health approach ang ginawa ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19 outbreak
  • Mas madali umanong pasunurin ang mga tao kung ipauunawa sa kanila kung bakit kailangan ang total lockdown

Kinuwestyon ni Vice President Leni Robredo ang deployment ng mga tangke sa kalsada ng Cebu City nang muling inilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng enhanced community quarantine o total lockdown ang siyudad dahil sa patuloy na pagdami roon ng COVID-19 cases.

Imahe mula sa Al Jazeera

Sa halip na military approach, dapat raw ay public health approach ang ginawa ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19 outbreak na isa umanong health pandemic. Hindi umano ito nadadaan sa pananakot sa mga nasasakupan.

“I saw pictures of Cebu yesterday and ‘yung nakita ko military. Parang hindi siya magandang visualization for the people na ‘this is a health pandemic, This is a health pandemic. Bakit may mga tangke sa daan? The military has been very helpful, even to our office, pero I think we should take a more public health approach,” ani VP Robredo.

“Ang problema ko rito, ‘pag nakita na ng mga tao iyong tangke, ‘Ano ba to, giyera?’ Iyong giyera natin dito against COVID-19 at hindi ito nadadaan sa pagso-sow ng fear among the constituency, ” pahayag pa niya sa panayam sa kanya ng ANC.

Naniniwala umano si VP Robredo na kung ipauunawa sa mga tao kung bakit kailangang gawin ang total lockdown, na mayroon din silang responsibilidad na dapat gampanan, ay madali umano silang mapapasunod sa mga patakarang ipinatutupad.

Imahe mula sa Philippine Army Spearhead Troopers Facebook page

Ipinahayag ni Joint Task Force COVID Shield commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar noong Huwebes, June 25, na nag-deploy ang PNP ng 150 Special Action Force na tutulong sa implementasyon ng quarantine protocls sa Cebu City.

Kabilang sa idineploy ang mga multi-purpose armored vehicles simula noong kinansela ang quarantine pass ng mga residente noong Martes, Hunyo 23.

Sabi ni Eleazar, kailangan umano roon ang SAF upang mapigilan ang mga residente na lumabas ng kanilang mga tahanan.

Loading…