DFA Sec. Locsin, mas gusto ang disenyo ng Sarao Jeepney kaysa mga modern jeepney

Imahe mula sa Sarao Motors
  • Hindi nagustuhan ni Sec. Locsin ang disenyo ng mga modern jeepney
  • Hindi raw niya pasasakayin sa mga modern jeepney ang mga tauhan niya
  • Mas gusto niya ang disenyo ng mga tradisyunal na jeepney na gawa ng Sarao basta kabitan ng maayos na makina

Hindi nagustuhan ni Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin, Jr. ang disenyo ng mga modern jeepney kaya iminungkahi niya na huwag nang alisin sa lansangan  ang “iconic” traditional jeepney. Kabitan na lang daw ang mga ito ng mas maayos na makina.

Imahe mula sa OROTSCO

Mukhang “inflated c0nd0ms” daw ang mga modern jeepneys, lalo ‘yung mga kulay puti.

Sa mga tradisyunal na jeepney daw ay mababakas ang pagiging resourceful ng mga Pinoy. “It shows what Filipinos can do with next to nothing after a world war.”

Aniya, ipagawa sa Sarao Motors ang mga jeepney. Panatilihin ang tradisyunal na disenyo, pero kabitan ng mas magandang makina.

“Get only Sarao to build the same jeepneys, retaining the traditional look, just improve the engine,” giit ni Sec. Locsin.

Hinding-hindi niya raw pasasakayin ang kanyang mga tauhan sa mga modern jeepneys.

“Absolutely. I won’t have my people going around in an inflated c0nd0m. Did you see the new model? Puti at malaput looking. My people deserve better,” sabi ng kalihim sa kanyang Twitter post.

Imahe mula sa Sarao Motors

Plano ng pamahalaan na i-phase out na ang mga tradisyunal na jeepney at palitan ng mga modernong jeepney.

Noong 2017 pa inilunsad ng Department of Transportation ang Public Utility Vehicle Modernization Program sa layuning gawing mas episyente at environmentally friendly ang transportation system simula sa taong 2020.

Sa ilalim ng programa ay aalisin na sa lansangan ang mga jeepney, bus at iba pang public utility vehicles na ang edad ay 15 years pataas at palitan ang mga ito ng mga sasakyan na may Euro-4 compliant engine o kaya naman ay electric engine upang mabawasan ang polusyon sa bansa.

Imahe mula sa Isuzu

Loading…