DJ Loonyo humingi ng paumanhin sa kontrobersyal na pahayag tungkol sa mass testing

Imahe mula sa Facebook | Mr. Mainit
  • Naglabas ng pahayag ang social media personality na si DJ Loonyo sa sinabi niya patungkol sa mass testing sa isang live video
  • Humingi siya ng paumanhin dahil ang naibigay niyang paliwanag tungkol sa mass testing ay tumutukoy sa clinical trials
  • Dagdag niya pa, batid niyang nakaiimpluwensiya siya sa kaniyang mga follower at hindi niya raw nais na magpakalat ng misinformation

Nilinaw ng social media personality na si DJ Loonyo ang kontrobersyal na naging pahayag niya tungkol sa mass testing.

Imahe mula sa Facebook | DJ Loonyo

Umani ng batikos ang dancer matapos niyang sabihin sa isang Facebook live na hindi siya naniniwala sa “mass testing.”

“I don’t know kung ano ang gagamitin nila sa mass testing pero, kung ano man yung ipapainom nila, kung ano man ang gagawin nila, it’s a trial and error, that’s why it’s mass testing. Kaya kawawa yung mag-iintake, kawawa yung mag-uundergo noon kasi it’s not 100 percent proven,” aniya.

Nang tanungin ng interviewer kung magkaiba ba ang mass testing at COVID testing, sagot ni Loonyo, “Those are just…iba-iba lang ang pangalan. Mass testing, rapid testing, COVID testing, isa lang yun e. They just want to prove if it’s gonna work or not.”

Ngunit sa kaniyang Facebook post kalaunan ay ipinaliwanag niya na clinical trials at hindi mass testing ang pinatutungkulan niya sa kaniyang pahayag.

Imahe mula sa Facebook | DJ Loonyo

“First off, I apologize for the wrong use of terminology in that particular instance…I understand that the use of terminology is critical, so I apologize for any confusion it caused,” sabi niya. Ikinalulungkot niya rin daw na sa dalawang oras na live ay limang minuto lamang ang pinuna.

Dagdag niya pa, batid niyang naiimpluwensiyahan ng kaniyang sinasabi ang mga follower.

“I know that I have been blessed with a platform kung saan may kaunting level din of influence. We do not mean to spread misinformation, but rather encourage you to form an open-mindedness,” aniya.

Loading…