Doble Plaka Law hindi pa maipatupad dahil wala pa ang mga malalaking plaka – LTO

  • Doble Plaka Law hindi pa maipatutupad
  • Sinabi ng LTO na wala pang malalaking plaka na maipamamahagi sa mga motorcycle owners
  • Inaasahan ng LTO na sa pagitan ng July at September 2020 pa magkakaroon ng malalaking plaka ng motorsiklo

Ipinahayag ng Land Transportation Office (LTO) na hindi pa rin maipatutupad ang Republic Act 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act, na mas kilala sa tawag na Doble Plaka Law, dahil sa kawalan ng mga plakang ibibigay sa mga motorcycle owners.

Imahe mula sa Motorcycle Philippines

Ang nasabing batas ay nagtatakda ng paglalagay ng dalawang mas malaking number plates sa mga motorsiklo – isa sa harap at isa sa likod – na maaaring mabasa sa distansyang 15 meters. Ang implementing rules and regulations (IRR) ng Doble Plaka Law ay nilagdaan ni LTO chief Edgar Galvante noong May 11, 2020.

“’Yung implementation ng IRR patungkol sa pagkakaroon ng plaka, hindi pa po natin maipatutupad dahil wala pa ‘yung plaka, “ayon kay LTO Operations Division OIC Mercy Jane Paras-Leynes sa Laging Handa public briefing noong Lunes, ika-1 ng Hunyo.

Maipatutupad lang ang batas kapag nakumpleto na umano ang delivery ng mga bigger decal plates. Inaasahan ito sa pagitan ng July at September ngayong taon.

“Ang magandang balita po ngayon ay nagsisimula na pong mai-deliver ‘yung mga plaka compliant with Republic Act 11235,” sambit ni Paras-Leynes.

Nilinaw ng LTO official na ang probisyon lang ng batas tungkol sa paggamit ng dalawang plaka ang hindi pa maipatutupad.

Imahe mula sa Lazada

Ang implementasyon ng iba pang probisyon ng Doble plaka Law ay epektibo na sa ika-6 ng Hunyo, kabilang na ang pagbabawal sa pagbebenta at importasyon ng mga motorsiklong walang espasyo para sa front plate. Hindi papayagan ng LTO na mairehistro ang motorsiklong walang probisyon ng espasyo para sa plaka sa harap.

Loading…