Doc Willie Ong sa kanyang pagiging doktor simula 2006: “Lahat ng professional fee ko tinanggal ko na”

  • Naka-one on one ni Jessica Soho ang trending doctor na si Doc Willie Ong sa programang KMJS
  • Dito ay sinabi ni Doc Willie na simula noong 2006 ay hindi na siya tumatanggap ng professional fee
  • Nais lang daw niya na makatulong dahil marangya naman talaga ang kanilang pamumuhay

Matunog ang pangalan ng tinatawag na ‘trending doctor’ at vlogger na si Doc Willie Ong dahil maraming netizens ang nais na siya ang maging Department of Health (DOH) secretary, kapalit ng kontrobersyal ngayong si Francisco Duque III.

Pero dahil sabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na mananatili si Duque sa puwesto, patuloy na lang ang pagsuporta ng netizens at mga Pilipino kay Doc Willie sa kanyang mga videos sa YouTube na may kinalaman sa kalusugan, lalo na ngayong may pandemic at ayaw pumunta ng marami sa mga pagamutan.

Larawan mula sa YouTube video ni Doc Willie Ong

Dahil dito, maging ang trending show na Kapuso Mo, Jessica Soho ay inalam na ang pamumuhay ng isang Doc Willie. Nakapanayam ni Jessica si Willie sa pamamagitan ng isang video call. Dito ay napag-usapan nila ang ilang bagay tungkol sa pagiging “online doctor” ni Willie.

Ayon kay Doc Willie na may 3.6 million subscribers sa YouTube at 13 million followers sa Facebook, gusto raw talaga niyang tumulong sa mga walang pera ngunit gustong gumaling kaya noon pa man ay inililibre na niya ang mga kumukonsulta sa kanya.

Gayunman, naramdaman daw ni Doc Willie na mas marami siyang maaabot sa kanyang panggagamot at libreng serbisyo kung gagawa siya ng video sa sa YouTube at Facebook. Inumpisahan niya ang pag-vlog noong 2012.

Ibinulgar din ng sikat na doktor na simula noong 2006, ay hindi na siya tumatanggap ng anumang professional fee sa kanyang panggagam0t. Dahil marangya naman daw ang pamumuhay nila, mas ninais niyang magserbisyo sa mga kapus-palad.

Larawan mula sa YouTube video ni Doc Willie Ong

“Maniwala man ‘yung tao o hindi by 2006 lahat ng professional fee ko tinanggal ko na… For 14 years,” saad ni Doc Willie sa panayam sa KMJS.

“Alam mo, ‘pag ang pasyente siningil mo, iisipin nun ‘kinukwartahan mo ako eh.’ Pero sa oras na sabihin mo sa pasyente na ‘hindi kita sisingilin, tutulungan lang kita, sundin mo lang ito…’ mabilis sumunod. Tingin sa iyo anghel na! The more I can help, I am happier!” pagpapatuloy ni Doc Willie.

Sinabi rin ni Doc Willie na dahil sa kanyang karanasan noong 2019 senatorial elections, napagtanto niyang huwag na munang tumakbo sa anumang posisyon sa pamahalaan.

Panoorin ang panayam kay Doc Willie Ong sa KMJS:

Loading…