DOH nababahala sa talamak na bentahan ng Dexamethasone bilang lunas umano sa COVID-19

Imahe mula sa Brigada News
  • Nagbabala ang DOH hinggil sa talamak na bentahan ng Dexamethasone sa merkado at online platforms bilang lunas sa COVID-19
  • Sinabi ng DOH na ang Dexamethasone ay hindi panlunas sa COVID-19
  • Nagbabala ang DOH sa unregulated use o paggamit ng gamot na ito nang walang payo o preskripsyon ng doktor.

Nagpahayag ng pagkabahala ang Department of Health (DOH) sa mga ulat na natatanggap nito na ang Dexamethasone ay ibinebenta umano sa merkado at online platforms bilang gamot o lunas sa COVID-19.

Imahe mula sa Brigada News

Sa isang virtual press conference, nilinaw ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang Dexamethasone ay hindi lunas sa COVID-19.

“Muli, nais po naming linawin ng Kagawaran ng Kalusugan, hindi poi to lunas sa COVID-19 at kami po ay nagbibigay ng babala sa unregulated use o paggamit ng gamot na ito nang walang payo o preskripsyon ng doktor.

Kaugnay nito, sinabi ni Usec. Vergeire na naglabas ang Food and Drug Administration (FDA) ng paalala sa publiko ukol sa pagbili at paggamit ng Dexamethasone.

“Iginigiit po ng FDA na ang Dexamethasone ay isang prescription drug and should only be used upon the advice of a physician. Ibig sabihin po, maaari po lamang nating gamitin ayon sa payo ng lisensyadong doktor.

Nagbigay ng paalala si Usec. Vergeire sa publiko na huwag tangkilik at bilhin ang nabanggit na gamot na ibinebenta sa mga online platforms dahil walang kasiguruhan sa authenticity, kalidad at kaligtasan nito.

Screenshot mula sa DOH video

Binanggit pa niya ang mga side effects ng maling paggamit ng dexamethasone gaya ng immunosuppression, gastrointestinal bleeding, ulcer, pangit na paghilom ng sugat at iba pa.

Nanawagan si Usec. Vergeire sa publiko na huwag magpapaloko sa mga taong nais lang kumita at pagsamantalahan ang takot at kaba na nadarama dahil sa pandemic. Nauunawaan umano ng DOH ang mga tao na gusto nang makahanap agad ng lunas sa COVID-19.

Hindi raw dapat mag-alala ang mga tao dahil ginagawa na ito ng mga eksperto sa bansa at wala silang pagod sa pakikipagtulungan sa international scientific community upang mapabilis ang pagdiskubre sa vaccine laban sa COVID-19.

Source :

DOH, Remate

Loading…