DOH umalma matapos ikumpara ang ‘Pinas sa Singapore sa pagsugpo ng COVID-19

Imahe screenshot via DOH website
  • Hindi umano dapat ikumpara ang Pilipinas sa Singapore, ayon sa DOH
  • Marami daw pagkakaiba ang dalawang bansa lalo na sa ‘health system capacity’
  • Ganito rin ang naging pananaw ni Interiors Secretary Eduardo Año

Pinalagan ng Department of Health (DOH) ang pagkukumpara ng Pilipinas sa Singapore base sa pinakahuling datus na inilabas ng World Health Organization (WHO) tungkol sa mga kaso ng COVID-19 sa Western Pacific Region.

Sa pagitan ng Hunyo 16 at Hunyo 27, nakapagtala ng 8,143 kaso ng coronavirus sa bansa na siyang pinakamataas nang kasong naitala sa alin mang 22 na bansa sa Western Pacific kasama na ang Singapore at China.

Pumangalawa ang Singapore na mayroon lamang 2,351 bagong kaso kasunod ang China na mayroong 302 kaso sa kaparehong panahon.

Usec Vergeire| Imahe via DOH Facebook

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangang maintindihan muna nang mabuti ang ratio ng populasyon laban sa bilang ng mga pasyenteng may infection ng dalawang bansa.

“Our socioeconomic context, particularly living conditions, as well as health system capacity, even prior to COVID, is different from Singapore,” paliwanag ni Vergeire.

Paliwanag ng opisyal, ang Singapore ay may populasyon na 5.9 milyon lamang at may kasong 43,246 habang ang Pilipinas ay may populasyong 109 milyon at may kasong 34,803. Samakatuwid, mas mataas ang 7,393 kaso/1-M populasyon kaysa sa 318c kaso/1-M ng Pilipinas.

“Please take that into account when we do our analysis. Let us not cherry pick the countries we want to compare ourselves to,” dagdag pa ni Vergeire.

Maging si Interior Secretary Eduardo Año ay naniniwalang hindi dapat ikumpara ang Pilipinas sa Singapore dahil maliit na bansa lamang ang huli.

Sec. Año| Imahe via Facebook

Ani Año, bagama’t maraming kaso ang naitala sa ilang rehiyon tulad ng Region 7, National Capital Region and Region 8, hindi naman umano ganito kalala sa ibang bahagi ng bansa.

Kung hindi umano nailagay kaagad sa lockdown ang Luzon at iba pang partikular na lugar, maaaring umabot ang kaso sa 3 milyon at ang pumanaw sa 200,000 base na rin sa projection ng mga eksperto.

“So you see, we are doing good compared to other countries like United States, Brazil. Somehow we are able to contain [the spread of the virus] in the whole country,” wika pa ng kalihim.

Loading…