DOTr dumepensa sa batikos ni Sen. Nancy Binay sa bagong “EDSA Busway”

Imahe mula sa DOTr
  • Sa pamamagitan ng isang open letter ay ipinagtanggol ng DOTr ang EDSA Busway project sa mga batikos ni Sen. Nancy Binay
  • Matatandaang tinawag ng senadora na “totally unrealistic” at “bound to fail” ang proyekto
  • Inimbitahan ng DOTr ang senadora na dumalo sa isa nilang video conference upang doon ito makapagbigay ng mga rekomendasyon

Dismayado ang Department of Transportation (DOTr) sa pambabatikos ni Senator Nancy Binay sa bagong EDSA Busway o ang bus lane na nakapuwesto sa gitna ng EDSA. Tinawag kasi ng senadora ang proyekto na “totally unrealistic” at “bound to fail.”

Imahe mula sa DOTr

Sa isang bukas na liham para sa senadora, sinabi ng DOTr na nainsulto ng mambabatas ang inisyatibo ng DOTr na naglalayong mabigyan ng mas mahusay na transport system ang mga mananakay nang hindi man lang binigyan ang ahensya ng pagkakataong makapagpaliwanag o maiprisinta man lang ang plano.

Ipinaliwanag ng DOTr na hindi naman bago ang konsepto ng EDSA Busway. Hinango umano ito sa Bus Rapid Transport Sysytem.

“The Edsa Busway plan is actually not even a new concept but a takeoff from the Bus Rapid Transit system or BRT, and the Bus Median Lane usage that has been proven to be one of the more effective mass transport systems in the world,” ayon sa open letter ng ahensya.

Depensa ng DOTr, ang EDSA Busway plan ay nabuo sa pakikipagtulungan sa road transport experts at mga grupong may interes sa proyekto kabilang na ang mga commuter groups at mga lider ng komunidad.

Imahe mula sa DOTr

Maraming bentahe raw ang EDSA Busway tulad ng mabilis at walang sagabal na biyahe dahil para itong tren na may sariling daan, mas mabilis na biyahe para sa mga commuters at predictable ang schedule ng ruta.

Dahil mabilis at walang sagabal sa daraanan ay mas maraming biyahe ang magagawa ng mga city buses kaya mas maraming pasahero ang mapagsisilbihan. May special lifters din umano mula sa Metropolitan Manila development Authority at Department of Public Works and Highways para sa mga senior citizens at persons with disability.

Sa halip na insultuhin ang kanilang mga pagsisikap sa pamamagitan ng media sensationalism para lang magkaroon ng mileage at exposure, nanawagan ang DOTr kay Sen. Binay na dumalo sa isa sa kanilang mga video conferences at doon sabihin ang mga pag-aalala at anumang rekomendasyon.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Nancy Binay
Source :

PNA, Inquirer

Loading…