DRRM chief naiyak sa liham pasasalamat ng mga batang tinulungan nila

Image by Nagiel B. Bañacia via Facebook
  • DRRM chief at mga kasamahan sa opisina, napaluha nang makatanggap ng liham pasasalamat sa mga tinulungan
  • Nagpositibo kasi sa COVID-19 ang nanay ng mga bata kaya’t sila ang nag-aruga sa mga ito
  • Ipinaabot ng mga bata ang mga liham makaraang magnegatibo na ang kanilang nanay

Napaluha na lamang si Cebu City Disaster Risk Reduction Management Council chief Nagiel Bañacia sampu ng kanyang mga kasamahan sa opisina nang makatanggap ng liham pasasalamat mula sa mga batang tinulungan nila.

Image by Nagiel B. Bañacia via Facebook

Pagbabahagi ni Bañacia sa Facebook, kinakailangang ihiwalay ang nanay ng tatlong bata makaraang magpositibo ito sa COVID-19.

Habang nagpapagaling ang nanay ng mga ito, tatlong beses sa isang araw nilang binibisita ang mga bata para masigurong ligtas sila; ibinibigay nila ang mga kailangan ng mga ito.

Kamakailan lamang, nakalabas na ang nanay. kaya sa labis na pasasalamat sa pagtayo bilang pansamantalang magulang, mga makukulay na cards kalakip ang mga makahulugang mensahe ang ipinaabot ng mga bata.

Ani DRRM chief, “The Thank You that comes from their heart made me cry. And I thought I was alone crying, nope. I saw my colleagues wiping their tears too after reading the messages. “

Image by Nagiel B. Bañacia via Facebook

Sinabi pa nitong pinananatili niya ang composure habang nagtatrabaho kahit noong inihihiwalay ang mga bata sa nanay, kaya lamang ay hindi na napigilan ang emosyon nang matanggap ang sulat.

Mababasa sa sulat ng isa sa mga bata, “We just wanna say thank you for taking care of us and helping the people in our city, I know you lack sleep because of your job and your job isn’t easy as your life is always at stake, but even so, you still carry on.”

Image by Nagiel B. Bañacia via Facebook

Ani naman ng isa, “Mami-miss po namin ang mga mukha ninyo at mga kabaitan ninyo sa amin at lalong lalo sa lahat, you all worked with patience and passion at kahit na hindi halata sa mga mata ninyo, napapagod din kayo pero hindi ninyo hinahayaang maapektuhan kayo para sa mga tao.”

Tunay ngang walang kapalit ang bukal sa loob na pagtulong sa kapwa, at labis ang kasiyahang madarama kapag nakaririning ng pasasalamat mula rito. Kudos po, sir!

Image by Nagiel B. Bañacia via Facebook
Source :

Facebook

Loading…