DTI, planong alisin na ang limitasyon sa pagbili ng mga essential goods

  • Purchase limit sa mga essential products planong alisin na ng DTI
  • Sinabi ng DTI na may sapat nang supply ng mga essential products kaya mawawala na ang mga insidente ng panic buying
  • Hiniling ng mga manufacturers sa DTI na alisin na ang quantity limit sa maaaring bilhin ng mga konsyumer upang lumakas na ang kanilang benta

Plano ng Department of Trade and Industry (DTI) na alisin na ang itinakdang limitasyon sa pagbili ng mga essential goods dahil maayos na ang supply ng mga produkto sa pamilihan kasunod ng pagluwag sa mga community quarantine upang pasiglahing muli ang ekonomiya.

Imahe mula sa DTI

Sa ginawang pahayag ni Trade Secrary Ramon Lopez, binigyang-diin niya na wala na ang mga insidente ng panic buying na nangyari noong mga unang araw ng community quarantine dahil marami nang produkto ang mabibili ngayon.

Marami na kasing kumpanya ngayon na halos 100% na ang operasyon simula nang isailaim sa general community quarantine ang maraming lugar sa bansa, kabilang ang Metro Manila.

Tiniyak ni Sec. Lopez na hindi na magkakaroon ng shortage ng supply ng mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan dahil may sapat na stocks ng finished products at raw materials ang mga kumpanya.

“Because of these, we have assured our consumers that there would be no shortage, which was why there is no more panic buying, which many consumers fear. This is why very soon we would also remove the limitations on purchases which we instituted at the height of the quarantine,” anang Trade secretary.

Imahe mula sa CNN PH

Ang plano ng DTI na alisin ang restriksyon sa dami ng mabibiling essential products ng mga konsyumer ay kaugnay sa hiling ng mga manufacturers sa ahensya na alisin na ito upang muling lumakas ang benta nila.

Sa ngayon ay nananatili pa rin ang purchase limit sa disinfectant alcohol, hand sanitizer, disinfecting liquid, toilet paper, face masks, sardinas at instant noodles, sabong panligo, gatas, powdered milk sa sachets, instant coffee sa sachets, mineral water at loaf bread.

Source :

Inquirer, PNA

Loading…