Eat Bulaga magbabalik na ngunit hindi pa rin tatanggap ng live audience; bagong segments ilulunsad

  • Magbabalik na sa ere ang Eat Bulaga na may bagong episodes ngayong GCQ na ang malaking bahagi ng bansa
  • Dahil bawal pa rin ang live audience, asahan ang ilang pagbabago sa show upang makapagbigay pa rin ng premyo sa mga Dabarkads
  • Tuloy din ang pagbebenta ng Eat Bulaga ng ilang souvenirs at memorabilia para sa kanilang fund raising program

Unti-unti nang nagbabalik ang mga Kapuso shows at balik-trabaho na ang marami matapos ang ilang buwang lockdown. Una nang napabalita ang pagbabalik sa taping ng cast ng top-rating afternoon serye na Magkaagaw, kasabay ng pagbabalik nito sa ere.

Ngayon naman, dumating ang magandang balita para sa mga Dabarkads dahil magbabalik na rin ang Eat Bulaga sa pag-eere ng live episodes.  Ayon sa ulat ng entertainment website na PEP PH, magbabalik na raw ang noontime show dahil paubos na rin ang episode ng hit segment nilang ‘Bawal Judgmental.’

Larawan mula sa Eat Bulaga Facebook page

Ngunit sa pagbabalik daw ng noontime show ay asahan ang mga pagbabago sa show lalo na’t hindi pa rin sila tatanggap ng live audience. Hindi na rin muna maisasagawa ang kanilang bayanihan sa barangay o paglilibot sa mga barangay para mamigay ng mga papremyo.

Dahil dito, inaasahan na maglulunsad ang Eat Bulaga ng mga bagong segments na magbibigay ng isang libo’t isang tuwa sa loyal viewers, siyempre, hindi mawawala ang mga papremyo na isa sa mga tatak ng longest running noontime show.

Ang Eat Bulaga rin ang unang TV show na nagsuspinde ng pagtanggap ng audience sa studio. Ipinatupad ito ng Eat Bulaga noong March 9 nang may maitalang unang kas0 ng C0VID-19 sa Cainta, Rizal kung nasaan ang APT Studio na tahanan ng Eat Bulaga.

Ilang araw lamang matapos ang pagpapatupad ng no live audience policy ng noontime show, inanunsiyo naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang quarantine sa Luzon na naging dahilan upang magpalabas ng replay episodes ang Eat Bulaga.

Larawan mula sa Eat Bulaga Facebook page

Ngunit kahit naka-break sa paggawa ng bagong episodes, hindi naman natatapos ang pagtulong ng noontime show sa mga nangangailangang Dabarkads. Nagbebenta ang show ng kanilang Silver Anniversary DVD at Kalyeserye bobble head dolls sa kanilang Facebook account.

Ayon sa Eat Bulaga, ibibigay daw nila ang kikitain sa mga kababayan nating nawalan ng trabaho ngayong lockdown. At sa pagbabalik ng show sa tanghalian, asahang mas maraming premyo ang ibibigay nila dahil marami ang nangangailangan nito sa ngayon.

Source :

PEP, Facebook

Loading…