Endless love: Mister, pinaghandaan ang anniversary surprise sa asawa bago pa man yumao

Imahe mula sa Facebook | Aly Mendoza
  • Kahit yumao na ay napasaya pa rin ng isang mister ang kaniyang asawa
  • Bago siya sumakabilang-buhay ay nagpadala siya ng e-mail sa kaniyang anak na naglalaman ng mga panuto para sa kaniyang surpresa
  • Nakapag-order na rin siya ng mga bulaklak para sa mahahalagang araw ng kaniyang asawa sa mga darating na taon

Kahit nasa kabilang buhay na ay hindi nakalimutan ng ama ng netizen na si Aly Mendoza na ipakita sa kaniyang asawa kung gaano niya ito kamahal — naihanda niya na ang surpresa rito para sa mahahalagang araw sa kaniyang buhay sa mga susunod na taon, kabilang na ang kanilang anibersaryo ngayong Hunyo.

Imahe mula sa Facebook | Aly Mendoza

Kuwento ni Aly sa isang Facebook post, laking gulat niya nang makatanggap ng e-mail mula sa kaniyang ama na pumanaw 10 buwan na ang nakalilipas. Pag-amin niya, hindi niya agad ito binuksan.

“At first, I was scared to open it ’cause well, who wouldn’t be scared to get and open an e-mail from someone who passed away 10 months ago, plus it was 3 a.m. and…I was the only one awake in our whole house,” ani Aly.

Naglalaman pala ito ng mga panuto sa paghahanda para sa kanilang silver wedding anniversary.

“Apparently, before my dad passed away, he planned everything. He even contacted and paid for a florist to deliver flowers to my mom for the coming years on every special occasion — my mom’s birthday (August 19), Valentine’s Day, and their anniversary (June 10),” aniya.

Kalakip din doon ang liham ng kaniyang ama para sa ina. “Even if they are not physically together, he was still able to surprise and make my mom happy,” sabi ni Aly. “Not even death could stop my dad from loving my mom and showing her how much she meant to him.”

Paliwanag pa ni Aly, may kahulugan maging ang kulay ng mga bulaklak sa bouquet na pinili ng Daddy niya.

Imahe mula sa Facebook | Aly Mendoza

“White roses are special to my parents because when my dad was courting her, my mom had two suitors. She told herself that whoever gives her white roses was ‘the one’ and obviously, it was my Dad who gave her white roses. Pink roses because Dada knows that Mamu loves pink roses.”

Sinunod ni Aly lahat ng plano ng kaniyang ama, dahilan upang maging emosyonal ang kaniyang ina.

“Of course my Mom cried because she misses the love of her life but I could see how happy everything made her because she knew that everything was planned by my Dad.”

Happy 25th anniversary, Mr. and Mrs. Mendoza!

Panoorin dito ang surpresa:

Source :

Facebook

Loading…