Enrile kay Lea: Bastos! Anong malay naman niya kundi kumanta lang

Imahe mula sa mga Facebook page nina Lea at Enrile
  • Enrile tinawag na ‘bastos’ si Lea Salonga
  • Wala raw itong alam kung hindi kumanta lang
  • Una nang humingi ng paumanhin at pang-unawa si Lea sa kaniyang mga nasaktan

Matapos makatanggap ng ‘pangaral’ mula kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, batikos din ang inabot ni Lea Salonga mula kay dating Senate President Juan Ponce-Enrile.

Ito ay matapos ang kontrobersiyal na Facebook status ng singer-aktress na gumulantang sa kaniyang mga followers sa social media.

“Bastos”, ito ang pagsasalarawan ni Enrile sa naging pahayag ng The Voice coach na tila minumura ang bansang Pilipinas sa kanyang post.

Imahe mula sa Facebook ni Juan Ponce-Enrile

Sa panayam kay Enrile nina Admar Vilano at Jess Aranza sa DZOR kamakailan, hiningi ng dalawang host ang opinyon ng dating mambabatas tungkol sa sinabi ni Lea.

“Bastos siya,” ito ang unang sinabi ni Jess Aranza, na agad namang sinang-ayunan ni Enrile.

“Bastos. Anong malay naman niyang Lea Salonga na’yan kung hindi ang kumanta lang,” pagdidiin nito.

Panelo may payo kay Lea: “Cool ka lang”

Nitong nakaraang araw ay sinabi rin Panelo na hindi magandang ehemplo sa iba ang isang sikat na celebrity na tulad ni Lea na tila walang paggalang sa kaniyang sariling bayan kung saan ito ipinanganak at lumaki.

Imahe mula sa Facebook ni Lea Salonga

“Ang advice natin kay Miss Lea, cool ka lang. Kung ano man ang sama ng loob mo, huwag mong isapubliko lalo kung laban sa sarili mong bansa kung saan ka ipinanganak, kung saan ka kumikita, kung saan ka kinikilala, hindi magandang ganyan,” wika ni Panelo.

Una nang nagpaliwanag ang dating Miss Saigon na hindi naman niya talaga minura ang Pilipinas kundi ito ay ‘pagpapahayag’ lamang niya ng kaniyang saloobin.

Humingi na rin ng paumanhin at pang-unawa si Lea sa sinumang nasaktan sa kaniyang viral post. Nagpasalamat din ito sa kaniyang mga fans sa patuloy na pag-suporta at pagtatanggol sa kaniya laban sa mga bashers.

Panoorin ang panayam kay Enrile:

Loading…