Epektibo ba? Netizen may tip kung paano mapabibilis ang mabagal na internet speed

  • Nagbigay ng praktikal na tips ang isang netizen kung paano mapabibilis ang mabagal at mahinang signal ng internet
  • Sa pamamagitan lamang ito ng aluminum foil
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Isa mga pangangailangan ngayon na talaga namang in-demand ang pagkakaroon ng internet access. Ito ang kinakailangan upang maisagawa nang maayos ang “Work from Home” o kaya ay ang mga online classes na gagawin na sa panahon ng “New Normal.” Subalit ang kinakaharap na problema nito ay ang mabagal o mahinang signal ng mga internet providers na inirereklamo ng mga customers.

Kaya naman, isang netizen na nagngangalang “Shawn Matiz” ang nagbahagi ng kaniyang tips kung paano mapabibilis ang internet speed sa pamamagitan ng praktikal at “home-made” na paraan.

Ibinahagi ito sa Facebook page na “BPO Secret Files Community.”

Imahe mula sa Facebook page na BPO Secret Files Community

“Sa mga may problem po sa home wifi, mahina ang signal, share ko lang po yung resolution ko. Kagabi ‘to nangyari parang accident lang, dapat yung foil na ‘yan nasa ilalim ng router, then tinanggal ko tapos nilipad ng fan, so ayun hindi ko na siya ginalaw,” aniya.

Wala umanong ibang kailangan dito kundi ang aluminum foil.

“Requirement: 1. Aluminium/Aluminum Foil ( wala heto lang). Width – twice ng sukat ni router, tapos naka fold po.
Height – naman lampas ng 2 inch sa height ni router, tapos slightly bent.”

Inilarawan din niya kung paano ito ipupuwesto sa router at kung ano ang magiging epekto sa signal kapag tinanggal na niya.

“Nakasandal lang yung foil, and then yung naka-bent na part acting na parang bubong siya sa grill ni router, kapag tinanggal ko ‘yan naku po! 1 bar na putol putol pa ang calls ko. Sana po makatulong, Cheers!”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

Public Domain Image

“Ang aluminum/aluminum foil po is heat conductor, ingat lang po kasi malaki ang possibility na mag-cause nang sunog ‘yan kapag nag-overheat ang router at magkaroon ng short circuit,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Legit ‘to. Panahon pa lang ng broadband stick, aluminum foil na ginagamit pantulong sa paglakas ng signal.”

“Yes effective po ‘yan kahit nakakatawang tingnan hahaha sa akin nga takip ng kaldero pero since 3 bars ‘yan, ma-try nga hahaha,” saad naman ng isa.

Samantala, isang netizen naman na IT graduate ang nagbigay ng kaniyang paliwanag sa comment section ng larawan. Ayon sa kaniya, maling-mali ang ipinakikita rito.

“I will explain this to you so easily so you understand why that picture is so wrong. YES you can ‘boost’ your Wi-Fi signal (it’s not boosting, it’s redirecting) but first of all you don’t just put a foil in front of the router like that, and second you’ll lose Wi-Fi signal in the opposite side of the redirected Wi-Fi beam.”

Public Domain Image

Ayon pa sa isa, “There is nothing you can do external to the equipment that will actually make it faster. The radio technology, internal signal processing and data throughput capacity set the limits along with network connection speed.”

Sa mga nagpakabit ng kanilang mga residential internet plan, huwag magsawang makipag-ugnayan sa mga internet providers upang maisaayos ang mga nararanasang suliranin hinggil sa internet connection.

Loading…