Estudyante ng Architecture, binigyang-pugay ang mga nangangarap na maging arkitekto gaya niya

  • Binigyang-pugay ng isang architecture student ang mga kapwa niya mag-aaral na kumukuha ng kursong ito gayundin ang mga arkitekto sa buong mundo
  • Hindi raw dapat minamaliit ang pagiging arkitekto dahil bahagi na sila ng kultura at kasaysayan ng isang bansa
  • Kung wala ang mga arkitekto, walang mga gusali, establisyimiento, at mga estruktura na senyales ng kabihasnan

Kung titingin ka sa paligid at makikita mo ang iba’t ibang mga bahay at establisyimiento na may magagandang estruktura, dapat nating pasalamatan ang mga arkitektong nagdibuho at nagdisenyo ng blueprint ng mga ito upang makita ang kabuuang anyo nito kapag naitayo na.

Kaya naman. binigyang-pugay ng isang mag-aaral ng arkitektura na si “Rica Dakis” ang pagiging arkitekto sa kaniyang Facebook post, at hinikayat ang mga kagaya niyang mag-aaral na sundin lamang ang kanilang pangarap, at huwag intindihin ang mga pagpula ng ilang mga tao na nagsasabing “puro drawing” lamang naman ang kaya nilang gawin at “wala naman kayong mararating sa pagdo-drawing n’yo.”

Imahe mula sa Facebook account ni Rica Dakis

Binigyang-tuon ni Rica na malaking bahagi ng kultura at kasaysayan ng isang bansa ang arkitektura.

“Throughout time, architecture has persisted as one of the most profoundly important reflections of culture, and also one of the reason why people travel to different countries. Architecture also persist through our infrastructure from bridges to public spaces and even the very layout of our cities,” ayon sa kaniya.

Hindi raw madali ang pag-aaral ng arkitektura. Literal na libo-libong kape raw ang kanilang naubos, daan-daang gabi ng pagpupuyat, at pera ang ginugol nila sa pagpapakadalubhasa. Sa kabila nito, hindi raw maiaalis sa kaniya ang kaniyang pangarap na maging arkitekto. Para daw itong ‘lifetime relationship.’

“Yes, we are not 100% sure that after we graduate and have our license, eh successful na agad? Nope. But studying architecture is something that they can’t take away from you, it’s a lifetime relationship. Like Jim Rohn said Whatever good things we build, end up building us,” aniya

Imahe mula sa Facebook account ni Rica Dakis

Kaya ang paalala niya sa mga kapwa architecture students, “So to my fellow archi students and for those who wants to be, keep on fighting, WE’RE GONNA MAKE IT!”

Ibinahagi ni Rica ang larawan ng kaniyang mga gawa noong siya ay nasa una at pangalawang taon ng pag-aaral.

Kudos sa lahat ng mga mag-aaral ng arkitektura at lahat ng mga arkitekto sa buong mundo! Hanga po kami sa inyo!

Loading…