Father’s Day gift mula sa asawa’t anak, bakit maagang ibinigay kay John Prats?

  • John Prats maagang natanggap ang Father’s Day gift mula sa asawa at anak
  • Isang punda na may mensaheng personal na isinulat ng anak ang regalo para kay John
  • Hindi makakapiling ng pamilya si John sa Father’s Day dahil nagbalik trabaho na ito

Advance! Ilang araw pa bago sumapit ang ika-21 ng Hunyo kung kailan ipinagdiriwang ang Father’s Day, pero natanggap na ng aktor na si John Prats ang isang espesyal na regalo mula sa asawang si Isabel Oli Prats at anak nilang si Feather.

Imahe mula sa Isabel Oli Prats Blog

Ipinaalam ni Isabel ang dahilan ng maagang Father’s Day gift para sa asawa sa pamamagitan ng isang blog kung saan ibinahagi niya ang larawan ni Feather at ni John habang hawak nito ang espesyal na regalo.

Aniya, hindi nila makakapiling si John sa espesyal na araw ng mga ama dahil magbabalik na ito sa trabaho at ilang araw din itong hindi uuwi sa bahay dahil may shooting na ang “Ang Probinsyano.”

Isang punda ng unan o pillowcase na may mensaheng si Feather mismo ang nagsulat ang ibinigay nila sa haligi ng kanilang tahanan.

“I love you Papa love (heart) Feather,” ang nakasulat sa punda.

Sabi ni Isabel, isang kaibigan niya ang nag-suggest ng naturang regalo.

“So I called on a good friend of mine @mimssac, who’s my go to for this kind of job and her suggestion – a handwritten note or drawing by my daughter printed on a pillowcase. Definitely a one of a kind gift idea made exclusively for our dearest man of the house,” saad ni Isabel sa blog niya.

Imahe mula sa Isabel Oli Prats Blog

Medyo napaluha pa raw ang asawa nang tanggapin ang espesyal na punda. Simple, pero iyon daw ang pinaka-meaningful na gift na natanggap ni John.

Tamang-tama nga raw ang regalong punda dahil pwede itong dalhin ni John sa trabaho at gamitin kapag matutulog.

“Just want to share how a simple gift, sometimes, can really move a person’s heart,” pagtatapos ni Isabel sa kanyang blog.

Loading…