Filipino fishing boat nabangga ng Chinese cargo ship; 14 Pinoy nawawala

Imahe mula sa Irma Fishing and Trading
  • Labing-apat na Pilipino ang nawawala sa karagatan matapos magbanggaan ang isang Chinese cargo ship at Pinoy fishing vessel
  • Labing-dalawang mangingisda at dalawang empleyado ng kumpanyang may-ari ng fishing boat ang nawawala sa karagatan sa Occidental Mindoro
  • Naglunsad ang PCG ng search and rescue operation

Labing-apat na Pilipino ang nawawala matapos maganap ang banggaan sa pagitan ng kanilang fishing boat at isang Chinese cargo ship sa karagatan ng Mamburao, Occidental Mindoro madaling-araw noong Linggo, ika-28 ng Hunyo.

Imahe mula sa Irma Fishing and Trading

Kinilala ng tagapagasalita ng Philippine Coast Guard (PCG) na si Commodore Arman Balilo ang cargo ship bilang MV Vienna Wood na nakarehistro sa Hong Kong; isang special administrative region ng China.

Batay sa salaysay ni Fermin Soto, general manager ng Irma Fishing and Trading na may-ari ng F/V Liberty Cinco, nabangga ng cargo ship ang bangka na lulan ang 12 mangingisda at 2 empleyado ng kumpanya dakong ala-una ng madaling-araw.

Nagsimulang hanapin ng kumpanya ang kanilang fishing boat nang hindi nito nagawa ang naka-schedule na radio call to port at bigong makadaong sa Navotas fish port kung saan inaasahan ito ng alas-siyete ng umaga.

Alas-diyes na nang umaga nang matagpuan ang fishing vessel na nagtamo ng grabeng pinsala, ngunit wala ang labing-apat na Pilipino.

File photo ng Vienna Wood/Imahe mula sa SCMP

Agad na naglunsad ng search ang rescue operation ang PCG.

“Some of our rescue personnel already sighted the overturned fishing boat. We will check the vicinity to find out the whereabouts of the fishermen involved,” wika ni Commodore Balilo.

Idineploy ng PCG ang isang Islander plane, isang Airbus helicopter at isang multi-role response vessel upang mapaigting ang ginagawang operasyon.

Imahe mula sa PCG

Ayon pa kay Balilio, nakikipag-ugnayan sila sa kapitan ng Chinese cargo vessel. Very cooperative naman umano ang kapitan.

Ineskortan ng PCG ang Chinese vessel patungo sa Batangas para sa mas malalim pang imbestigasyon.

Loading…