#FirstTime: Philmar Alipayo, 10-month-old Baby Lilo magkasamang nag-surfing

  • Kilalang surfer ang partner ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo
  • Ang kanilang pagmamahalan ay nagbunga at ito ay si Baby Lilo na ngayon ay sampung buwan na
  • Sa unang pagkakataon, nag-surfing nang magkasama ang mag-ama na naghatid ng good vibes sa mga netizens

Nakatutuwa ang latest bonding ng mag-ama ni Andi Eigenmann na sina Philmar Alipayo at Baby Lilo. Hindi takot sa tubig ang sampung buwang si Baby Lilo kaya naging suwabe ang unang surfing bonding nila ng kaniyang ama.

Imahe mula sa Instagram account ni Philmar Alipayo

Sa latest Instagram video ni Philmar, ipinakita nito kung paano in-enjoy ni Baby Lilo ang dagat habang nakadapa at nakatayo sa surfing board. Siyempre, nakaalalay ang kaniyang Papa Philmar.

“Lilo’s first surf with Papa. So happy! Lilo’s first surf at 10 months. Can’t wait for more surf with me. Next time better video quality,” ayon sa post.

Si Andi ang kumuha ng video kung saan sinigaw pa nito ang pangalan ng anak.

Kahit medyo malabo ang kuha sa video, kapansin-pansin ang tuwa ni Philmar na makasama sa unang pagkakataon ang anak para mag-surf.

May hatid ding good vibes ang background music ng video clip. Makikita rin na may mga kasabayang surfers ang mag-ama.

Gustong-gusto ni Baby Lilo ang tubig tulad ng kaniyang mga magulang. Matatandaan na nasa sinapupunan pa lamang siya ni Andi ay tila hinahanda na siya ng kaniyang ina na maging surfer.

Kahit kabuwanan na noon ni Andi ay nagse-surf pa rin ito na may kalakip na pag-iingat.

Ang pamilyang ito ni Andi ay hinahangaan ng mga netizens dahil ipinakikita nila ang payak na pamumuhay sa probinsiya — na siyang mas pinili ng aktres kaysa sa marangyang buhay bilang artista.

Samantala, marami ring natuwang netizens sa bonding ng mag-ama.

Imahe mula sa Instagram account ni Philmar Alipayo

“Lucky Lilo. Wish there’s a zoom camera to see her facial expressions. She must have the biggest smile,” ayon sa komento ng isang netizen.

Ang pamilyang ito ay naglalarawan sa payak, payapa, at masayang pamumuhay sa probinsiya.

Maaaring panoorin ang naging bonding ng mag-ama sa videong ibinahagi nila:

 

View this post on Instagram

 

Soo happy! Lilo’s first surf at 10 months. Can’t wait for more surf with me ??. Next time better video quality ???

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz) on

Source :

Instagram

Loading…