Gandanghari inalala si Rustom na “very, very in love” kay Carmina

Image by Mhaldita Channel via YouTube/BB Gandanghari via Facebook/Carmina Villaroel via Facebook
  • Sabi ni BB Gandanghari, sobrang in lab si Rustom Padilla kay Carmina Villaroel
  • Gandanghari: “The moment na nakita niya si Carmina, he thought siya ‘yung gusto niya maging asawa”
  • Aniya, maaaring ito’y tunay na pag-ibig sa maling oras at katawan

Muling inalala ni BB Gandanghari ang mga masasayang karanasan ng kanyang “twin” na si Rustom Padilla sa isang YouTube video kamakailan, kung saan sinabi niya na sobrang inlab ito kay Carmina Villaroel.

Image by Mhaldita Channel via YouTube

Pahayag ni Gandanghari, “I remember, si Rustom, very, very in love. Eto, walang halong kiyeme ‘to. Hindi ko sinasabi ‘to para pagtakpan. ‘O, talaga na-in love ka?’ The moment na nakita niya si Carmina, he thought siya ‘yung gusto niya maging asawa.”

Dahil umano sa pakiramdam na ito, niligawan ng binata ang aktres hanggang sa maging magkasintahan na sila at bantay-sarado pa ang dalaga; batay sa PEP.

Hindi ito nagkulang sa pagbabantay kahit na sabay-sabay ang shooting niya ng pelikula noon.

Aniya, masayang-masaya si Rustom sa piling ni Carmina. Una umanong lumabas ang bali-balitang “gay” ang matinee idol sa isang presscon.

Nanginig, pinagpawisan at nagdasal siya noon, ayon kay Gandanghari, dahil sa wala umanong basehan ang tsismis at hindi malaman kung papaano ie-express ang sarili.

Kinabukasan ay naging laman ng headline sa diyaryo ang sagot ni Rustom sa press. Hindi nila ito pinag-usapan ng kanyang nobya noon.

Minsan, habang nasa corridor ng ABS-CBN ay hinawakan ng aktor ang kuwelyo ng isang reporter at hinila sa parking lot, naroon si Carmina na umawat, tinawag siyang “Honey”.  Nagbago ang headline.

Image by Carmina Villaroel via Facebook

Nagpatuloy ang relasyon nila at nauwi sa secret marriage noong 1994. Kaya lamang ay nagdesisyon si Carmina na hiwalayan siya noong 1997; mga panahong puno ng insecurities at self-doubt daw si Rustom.

Hindi umano nito lubusang mapagtanto ang kulang sa buhay niya noon kaya pinalaya niya kahit ang babaeng pinapangarap niya. “It may be the right love, but hindi lang wrong time, but wrong body.”

Na-annul ang kasal ng dalawa noong 2002. Nag-out si Rustom noong 2006 sa Pinoy Big Brother.

Mapapanood ang video upload ni Gandanghari sa ibaba:

Loading…