Ginawa mo rin bang kagatin ang dulo ng lapis, tusukin ng lapis ang pambura kahit hindi mo alam ang dahilan?

  • Binalikan ng mga netizen ang ginagawa nila sa ilang school supplies noon
  • Kabilang dito ang pagkagat sa dulo ng lapis at pagtus0k sa mga pambura
  • Maraming netizens ang umaming ginagawa nila iyon kahit ‘di nila alam ang dahilan

Ngayong taon, wala munang magarbong shopping ng school supplies ang maraming mag-aaral. Dahil sa pandemya, may new normal din ngayon sa mga paaralan at sa bahay na lamang daw muna gagawin ang kanilang mga leksiyon.

Dahil dito, kanya-kanya munang pag-aalala ang mga kabataan sa kanilang naging landas sa loob ng eskwelahan. At isa sa mga nabalikan ng mga netizen ay ang mga bagay na ginawa nila sa kanilang mga school supplies kahit hindi nila alam ang dahilan kung bakit.

Larawan mula sa post ni Rhy Cel sa We Are 2K FB Group

Sa Facebook group na We Are 2K, binalikan ni Rhy Cel ang kanyang ginagawa sa kanyang lapis, pambura, pantasa, at ballpeen noong siya ay bata pa at nasa elementarya pa lamang. Makikita ang mga larawan ng kakaibang ginagawa natin sa mga school supplies tulad na lamang nang pag-ngatngat sa dulo ng lapis.

Karaniwang nasa dulo ng lapis ay pambura. Pero maraming mag-aaral ang nagsusubo nito sa bibig at inuumpisahang ngatngatin. Sabi ng ilan, ginagawa raw ito kapag naiinip na sa loob ng klase ang mag-aaral o kapag ayaw makinig sa leksiyon ng guro.

Sunod namang makikita ay ang pagtus0k ng lapis sa mga pambura. Karaniwang mahaba o pabilog ang mga pambura. Makinis at mabango pa nga ang ilan kapag bagong bili. At sa hindi rin malamang rason, napagdidiskitahan ang mga ito at nilalagyan ng marka ng lapis sa pamamagitan ng pagdiin ng panulat sa pambura.

Kung ang mga lapis ay ang dulo ang nangangatngat, kapag naman ballpen na ang gamit mo, tiyak na ang takip naman nito ang mapagtutuunan mo ng atensiyon. Kakagatin mo ang isang bahagi ng takip hanggang sa humugis na ito nang pakurba.

Larawan mula sa post ni Rhy Cel sa We Are 2K FB Group

Panghuli naman sa mga binalikan ay ang pagtatasa ng dulo ng lapis o ang pambura. Kahit hindi naman ito dapat tasahan, maraming mag-aaral noon ang nakagawiang tasahan ang pambura sa dulo ng lapis kahit na minsan ay nagiging sanhi ito ng pagkaubos ng dulo ng lapis.

Maraming netizens naman ang naka-relate sa post. Sabi nila, hindi nila itatangging ginawa nila ang mga ito noon at hindi rin nila masabi ang eksaktong dahilan kung bakit nila iyon nagawa.

Ikaw, nagawa mo ba ang mga ito noong mag-aaral ka pa?

Loading…