Giselle “G” Töngi, ibinahagi ang mga dahilan, ideolohiya ukol sa pag-alis niya sa Pilipinas

  • Isa sa mga sumikat na artista noong 1990s ay si Giselle “G” Töngi
  • Gayunman, bandang 2015 ay nilisan niya ang mundo ng showbiz at nanirahan sa Amerika
  • Sa Amerika, patuloy siyang nakikibaka at naghahanap ng magandang pagbabago para sa lahat

Sa isang GMA 7 online talk show ng GMA 7 na Just In, nakapanayam ni Vaness del Moral si Giselle “G” Töngi, ukol sa naging dahilan ng pag-alis nito sa Pilipinas kahit maayos naman ang showbiz career nito.

May mas malalim na dahilan ang dating aktres na hindi niya noon maipaliwang ngunit ngayon ay nauunawaan na niya kung bakit iyon nangyari.

Imahe mula sa Instagram account ni Giselle “G” Töngi

“Maski sikat ka, may trabaho ka, kumikita ka, kapag alam mo na hindi iyon ‘yung mga bagay na nagpu-fulfill sa ’yo—it wasn’t material, it wasn’t superficial. It was I didn’t understand the disparity in the Philippines on why ang daming naghihirap, tapos ang daming palaging umaalis ng bansa,” paliwanag ni Töngi.

Ipinaliwang din niya na lumaki siya sa piling ng kaniyang single mother at nakita niya kung paano nahirapan ito sa pagpapalaki nang mag-isa sa kaniya.

“Even though I was doing well, it broke my heart that the conditions were so harsh. And I don’t think things have changed,” paliwanag ni Töngi.

Habang nagsasalita si Töngi, hindi naman napigilan ni Vaness ang pag-iyak dahil nauunawaan niya ang nais ipunto ng kausap.

Inamin naman ni Töngi na nahirapan din siya sa naging desisyon ngunit alam niya sa sarili kung ano ang mas mahalaga.

“‘Ay wala akong bahay na sarili, wala akong ganito, wala akong ganiyan.’ Naisip ko rin ‘yun, pero ‘yun ba ang importante? Ano ba talaga ang importante? It’s different for everybody,” paliwanag niya.

Naging malalim ang kanilang pag-uusap ukol sa mga suliraning dinaranas sa mundo.

“There’s this analogy, you’re caught in between a hard place, a rock and a hard place. Di ba kasi gusto mong magkaroon ng change. Gusto mo, mag-benefit ang lahat ng tao, pero ayaw mong maging difficult. And trust me, I’ve gotten into so much trouble dahil ang dami kong pinagsasabi,” dagdag niya.

Naging mareklamo si Töngi dahil alam niyang may mali sa sistema.

Imahe mula sa Instagram account ni Giselle “G” Töngi

“But it takes leadership for people in positions of power to understand that we need a systematic change so that everyone benefits,” makahulugan niyang sabi.

Sa kaniyang Instagram account, aktibo rin si Töngi sa kaniyang panawagan na ang lahat ng buhay ay mahalaga. Mariin din niyang tinutuligsa ang kawalan ng pagkakapantay-pantay tulad ng nangyayari ngayon sa Amerika na may kaugnayan sa insidenteng nangyari sa African American na si George Floyd.

Maaaring panoorin sa ibaba ang kanilang panayam:

Loading…