GMA Network maglalabas na rin ng kanilang digital box; bagong channel, ilulunsad rin para sa mga Kapuso

  • Maglalabas na rin ang GMA Network ng kanilang sariling digital tv receiver box
  • Tatawagin itong GMA Affordabox dahil sa mas mura daw nitong presyo kumpara sa ibang digi-box sa merkado
  • May isang bagong channel din ang GMA para sa mga Asianovela l0vers 

Noong 2015, inilunsad ng broadcast giant na ABS-CBN ang kanilang digital TV service na tinawag na “TV Plus” o ang mahiwagang black box. Agad na pumatok ito sa mga manonood dahil maliban sa malinaw na reception sa digital TV, may mga additional channels din ito na hindi kailangan ng monthly fees.

At matapos ang mahigit limang taon, maglalabas na rin ang isa pang TV network sa bansa ng kanilang digital reception box. Kalat na ngayon online ang bersyon ng GMA ng digi-box na tatawagin nilang GMA Affordabox.

Larawan mula sa Facebook page na GMA Asianovelas

Sa post ng GMA Asianovela: The Heart of Asia official Facebook page, ibinida nito na paparating na ang mas murang digital box. Bagama’t wala pang opisyal na presyo at petsa ng release ang nasabing digital box, inaasahang nasa isang libong piso o mas mababa pa ang presyo nito.

Ayon sa larawan ng official box ng GMA Affordabox, mayroong built-in multimedia player, personal video recorder, nationwide emergency warning broadcast system, at digital display ang bagong handog ng Kapuso network sa kanilang viewers.

Ang isa pang magandang balita sa mga mahilig sa drama, lalo na sa mga K-Drama, maglalabas ng isang panibagong channel ang GMA na tatawaging Heart of Asia TV. Dito mapapanood ang mga Tagalized teledramas at ilang original GMA serye na ipalalabas muli.

Matatandaang maraming highest rating Asian dramas ang napanood sa GMA lalo na noong early 2000s. Sila rin ang unang TV network na nagpalabas ng Korean drama sa bansa sa pamamagitan ng seryeng ‘Bright Girl.’

Larawan mula sa Facebook page na GMA Asianovelas

Maraming Kapuso fans naman ang natuwa sa surpresang ito ng GMA. Bagama’t mas kaunti ang channels nito kaysa sa TV Plus, pasok na raw ito sa kanilang budget dahil mas mura itong ipagbibili. Excited na rin daw silang mapanood ang bagong channel na puro teledrama lamang ang mapapanood.

Katulad ng ABS-CBN TV Plus, wala na ring monthly charges sa paggamit ng GMA Affordabox. One-time payment lang ang kailangan upang mabili ang digital TV receiver box at maaari nang ma-enjoy ang mas malinaw at mas makulay na panonood!

Loading…