Gold Camera: Dokyu sa buhay ni Jake Zyrus, wagi sa US Int’l Film and Video Festival

Image by Jake Zyrus via Facebook
  • Dokyu na tumatalakay sa buhay ni Jake Zyrus, tumanggap ng pinakamataas na pagkilala mula sa international award-giving body
  • Kabilang sa mga tinatalakay ng dokyu ang dahilan ng pagpili niya para maging si Jake
  • Pinasalamatan ng singer ang production team ng dokyu, maging ang mga tagahanga at taga-suporta

Tumanggap ng pinakamataas na pagkilala bilang “Gold Camera award” ang dokyu hinggil sa buhay ni Filipino singer Jake Zyrus sa katatapos lamang na US International Film and Video Festival.

Image by Jake Zyrus via Facebook

Ang US International Film Video Festival ay binubuo ng limang maliliit na paligsahan sa pinakamahuhusay na corporate, education, entertainment, documentary at student productions. Naitatag ito noong 1967.

Tumatalakay ang documentary na “Jake And Charice” sa naging buhay ng singer mula sa payak na pamumuhay, mga pagsubok na pinagdaanan kasama sa pamilya, pagsikat, hanggang sa pagpapalit niya ng kasarian.

Nasasaad sa synopsis ng dokyu na, “The singer Charice (Pempengco) was the first Asian artist to have a Billboard top-ten hit. Mentored by producer David Foster, she wowed the world with her incomparable talent.

“Seven years later, she came out as a transgender man, changed her name to Jake Zyrus, and made a fresh start without the renown or voice that she had established as Charice.”

Kabilang pa sa mga binanggit na sasagutin ng pelikula ang dahilan ng pagpili nito na maging si Jake at ang naging reaksyon ng mga taong nakapaligid sa kanya.

“We hope the documentary will be watched by a wide range of viewers including those who are not interested in gender issues.”

Imahe via Facebook

Binati at pinapurihan naman ni Jake ang buong team na bumubuo sa dokyu na “Jake And Charice” partikular ang NHK (Japan Broadcasting Corporation) at ang ABS-CBN.

“Thanks to all the people behind the success. Our heart is beyond grateful,” aniya.

Hindi na nga matatawaran ang mga tagumpay na nagawa ni Jake sa kanyang buhay mula sa pagsali niya sa Little Big Star noong 2005. Tunay ngang nakaka-proud ang mga tagumpay niyang ito.

Image by Jake Zyrus via Facebook

Nagkaroon din siya ng aklat sa Japan na pinamagatang “I am Jake” (Japan Edition) na mabibili sa Amazon.

Loading…