Good vibes lang: Netizen ibinahagi ang kaniyang nakaaaliw na ‘updated’ resume

  • Agaw-pansin ngayon ang ibinahaging “updated” resume ng netizen na si Jeremy Carpio Arcebuche
  • Marami ang naaliw rito matapos niyang gamiting ang lyrics ng kantang “I can” para sana sa mga mahahalagang seksiyon ng resume
  • Agad namang nag-viral ang post at umani ng reaksiyon mula sa netizens

Isa ka rin ba sa kinakailangang mag-update ng curriculum vitae o resume ngayong buwan?

Imahe mula kay Jeremy Carpio Arcebuche | Facebook

Marami ang puwedeng maging rason kung bakit nag-aayos kang muli ng ganitong dokumento.

Maaaring sawa ka na sa trabaho mo o ‘di kaya ay wala ka talagang choice kung hindi maghanap ng panibagong trabaho matapos magbawas ng tao sa pinapasukang mong kompaniya dulot ng krisis na dala ng kasalukuyang pandemiya.

Sa Facebook noong May 27, agaw-pansin naman ang ibinahaging “updated” resume ng netizen na kinilalang si Jeremy Carpio Arcebuce.

“[Ang] importante updated,” biro nito matapos i-upload ang larawan ng kaniyang resume.

Makikita sa post ni Jeremy ang nakaaaliw na paggamit niya ng lyrics mula sa awiting “I can” na unang pinasikat nina Donna Cruz, Regine Velasquez, at Mikee Cojuangco noong 90’s para sa ilang mahahalagang seksiyon ng kaniyang resume.

Nilinaw naman ng netizen na “for fun” lang ang kaniyang ginawa at wala pa siyang balak mag-apply ng ibang trabaho dahil napakaayos naman ng kaniyang kalagayan sa kasalukuyang trabaho.

“FYI for fun lang po yan. Hindi ko ginawa ‘yan para mag apply ng work. Hahaha,” aniya.

“Napakaayos po ng work ko. Good vibes lang. Hahaha! God bless us,” sabi pa ng netizen sa comment section ng kaniyang original post.

Imahe mula kay Jeremy Carpio Arcebuche | Facebook

Hindi naman maipagkakaila na nagdulot ng kakaibang aliw ang larawan ng kaniyang “updated” resume para sa maraming netizens.

“I can love you until the end. Hahaha,” pagkumpleto ni H sa awitin ng kanta.

“Kulang sis, walang pirma. Tsaka ‘I hereby certify that the above info is true and correct keme,’” pabirong sabi naman ni YKS sa comments.

“Hahaha! Akala ko song book. Cheret,” natatawang sabi naman ni DD.

Source :

Facebook

Loading…