Gunita ng pagkabata: Ano-ano ang mga inakala mong “life goals” noong bata ka pa?

  • Pinag-usapan ng mga netizens ang isang pinned Twitter post
  • Tinanong kasi ng user ang mga kapwa mga netizens kung ano ang sukatan nila ng pagiging mayaman noong bata pa sila
  • Umani naman ito ng iba’t ibang tugon mula sa mga netizens

Halos lahat tayo, nagsimulang mangarap noong tayo ay musmos pa lamang. Magkaroon ng ganitong trabaho, makapunta sa ganiyang lugar, magawa ang mga ganoong bagay. Habang lumalaki at nagkakaedad, nababago rin ang mga pananaw at pagtingin sa buhay. Nakadepende na ito sa ating mga pansariling karanasan at nasaksihan sa paligid.

Kaya naman, pinag-usapan ng mga netizens ang pinned Twitter post ng isang user na nagngangalang “connectpoliticditto” (@cpoliticditto) kung saan tinanong niya ang mga kapwa netizens kung ano ang naging sukatan nila ng pagiging mayaman noong sila ay mga bata pa.

Imahe mula sa Twitter post ni @cpoliticditto

Pagbabahagi at niya, “My wife grew up thinking that having water/ice dispensers IN THE FRIDGE DOOR was a life goal. I grew up thinking if you had a basketball hoop with a clear/plexiglass backboard, you were rich.”

Kaya tanong niya, “What are some things you thought were indicators of wealth when you were a kid?”

Bagay na sinagot naman ng mga kapwa niya Twitter users.

“People having their own bedrooms, vacations, beds bigger than a twin for teens/kids, toys, fire places, pools, multilevel houses, family dinners, TV/game systems,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Name brand cereal. We used to get the huge bags of off-brand cereal that tasted like sugary cardboard. Getting new pants when the old ones wore out, instead of trying to sew up the holes. Not sleeping on an old bed that a hotel had thrown out.”

“When a family went on a summer vacation. I also thought that kids that went to summer camp—like in the movies—were really rich. Also kids that took “lessons” (piano, dance, etc.),” wika naman ng isa.

Pagbabahagi naman ng isa, ” Having a bedroom, living in a finished house, a garage, water/ice dispensing fridge, city water (our well broke often).”

Public Domain Image

Bilang mga Pilipino, marami tayong dapat ipagpasalamat. Magpasalamat tayo dahil marami tayong mga kababayan na handang magpaabot ng tulong sa kapwa sa panahon ng mahigpit na pangangailangan, katulad ng nararanasan natin ngayon sa panahon ng COVID-19 pandemic. Patuloy na ginagawa ang “bayanihan.”

Kung ikaw ay may trabaho pa rin hanggang ngayon, magpasalamat. Kung may extrang pera at nakabibili pa rin ng mga pangunahing pangangailangan at isama pa ang mga luho, magpasalamat. Kung hanggang ngayon ay wala pa ring sakit at nananatiling malusog gayundin ang pamilya, magpasalamat. Hindi lahat ay nararanasan ang mga nararanasan mo.

At kung may mga bagay kang gaya nito, dapat ay marunong din tayong tumulong sa ating kapwa upang maramdaman din nilang dapat din silang magpasalamat sa Panginoon, dahil sa kabila ng hirap ay may mga tao pa ring handang iparamdam ang kanilang pagkalinga.

Source :

Twitter, Facebook

Loading…