Gunita ng Pagkabata: Sinambit mo rin ba ang “Bukas ulit ha? Tinatawag na kasi ako ni Mama”

  • Nanumbalik sa gunita ng mga netizens ang kanilang kabataan batay sa larawang makikita sa isang Facebook page
  • Makikita sa larawan ang dalawang batang lalaki na tila maghapong naglaro, at ang isa ay kinakailangan nang umuwi
  • Ang caption ng larawan ay “Bukas ulit ha. Tinatawag na kasi ako ni Mama. Ganoon kasimple dati”

Sabi ng marami, ang pinakamasayang sandali ng kanilang buhay ay ang pagiging bata. Ito ang mga panahong wala pang iniintindi kundi kung ano ang lalaruin ng mga magkababata sa malawak na kabukiran o lansangan, kung ano ang ulam na niluto ni Nanay, o kung paano makatatakas sa mga utos ni Tatay at hihingi ng barya sa kaniya.

Kaya naman, nanumbalik sa mga netizens ang gunita ng kanilang pagkabata sa ibinahaging larawan sa Facebook page na “Rant”.

Makikita sa larawan ang dalawang batang lalaki na tila maghapong naglaro, at ang isa ay kinakailangan nang umuwi, upang hindi mapagsabihan, mapagalitan, o mahampas ng sinturon o hanger sa puwet.

Imahe mula sa Facebook page na Rant

“‘Bukas ulit ha. Tinatawag na kasi ako ni Mama.’ Ganoon kasimple dati,” ayon sa caption ng larawan.

Nagbahagi naman ng kanilang mga karanasan ang mga netizens hinggil sa kanilang kabataan.

“I’m very grateful that I got to experience this kind of childhood, dati ‘yung hindi puro gadgets and social media lang inaatupag, so many memories that can be treasured growing up. Most of all nabo-boost yung social interaction skills mo. The best!” pahayag ng isa.

Kuwento naman ng isa, “Ganito tapos naaamoy mo na yung mga nagsisiga kasi padilim na at kailangang itaboy ang mga lamok. Kinabukasan magigising ka ulit sa amoy ng nagsisiga para naman daw lumago at mamunga ang mga puno ng mangga. Hay… makabalik na nga…”

“Napakasarap balikan yung mga panahon na hindi pa uso ang gadget, simple lamang ang pamumuhay, kung ano-anong mga larong nauuso sa kalsada, at isa ako doon sa masasabing masaya ang naging kabataan. Solid batang 90’s!” pagmamalaki naman ng isa.

Public Domain Image

Salaysay naman ng isa, “After I saw this post, sinearch ko yung name ng naging kaibigan ko noon and good thing na nakita ko tapos na-add ko sa social media and accepted naman agad. I realized that sometimes, you don’t need to have something expensive to be happy and grateful in life. All you need is just a friend who’ll build you a lot of precious memories for somehow you’ll cherish in your entire life.

Ikaw, sinambit mo na rin ba ang pangungusap na iyan noong kabataan mo?

Source :

Facebook

Loading…