Guro pabirong inilatag ang sangkaterbang mga gawaing kailangang asikasuhin ng mga magulang

  • Inisa-isa ng isang guro ang sangkaterbang gawaing kailangang gawin para sa mga mag-aaral
  • Para daw ito sa mga magulang na nagnanais na ibigay na lamang sa kanila ang suweldo ng mga guro dahil modular na raw kasi ang mode of learning ngayon
  • Ang orihinal na post ay nasa wikang Bisaya na isinalin naman sa wikang Ingles at wikang Filipino

Isa sa mga maiinit at umusbong na usapin sa pagpasok ng Mayo ay ang pagbabalik-eskuwela. Hati ang opinyon dito ng lahat, lalo na ang mga magulang na nangangamba para sa kaligtasan ng kanilang mga anak, kung isasagawa ang “face to face” learning o pagpasok ng mga mag-aaral sa paaralan. Dito umusbong ang iba’t ibang mga mode of learning  na ihahanda ng Department of Education o DepEd upang matiyak pa rin ang maayos na edukasyon.

Public Domain Image

Dahil karamihan sa magiging paraan ng pagtuturo sa “New Normal” ay online o distant learning o kaya ay modular, marami tuloy ang nagsabing bakit hindi na lamang ibigay sa mga magulang ang suweldo ng mga guro, dahil ang pagtuturo daw ay isasagawa naman sa mga tahanan.

Pabirong sinagot naman ito ng isang guro sa wikang Bisaya, na isinalin naman sa wikang Ingles ng gurong si  “Danilyn Alvarina Germones” at isinalin naman sa wikang Filipino ng gurong si “Lady Morgana.”

Ayon sa Facebook post ni Lady Morgana, “Sa mga parents na gustong umangkin sa sahod ng teacher kasi sila naman daw magtuturo sa mga anak nila kung modular ang pipiliing mode of learning… in my opinion, ok lang sa part ko, kahit buong sahod pa, basta siya ang gagawa ng mga sumusunod.”

Imahe mula sa Facebook | Lady Morgana

Inisa-isa ng guro ang mga kailangang gawin ng magulang kung mangyayari nga ito. Nakapagtala siya ng labing-apat na espesipikong gawain at may mga dagdag pa.

Ilan sa mga ito ay ang paggawa ng module, exams, pagtse-tsek at pagre-record nito, paggawa ng report card, paggawa ng assessment sa nakuhang marka ng anak niya, pagbuo ng table of specifications at susing-sagot sa exams, pag-eenrol sa anak niya sa LIS, pagmomonitor sa attendance, at paggawa ng weekly activities para may variety of learning ang anak niya.

Dapat ding may integrasyon, kontekstwalisasyon, at lokalisasyon ng mga terminong gagamitin, suriing mabuti ang mga competencies o kasanayang nalinang ng kanilang anak upang malaman kung naunawaan nito ang mga naituro, at magpasa sa DepEd Division Office ng progress report ng anak para ma-promote sa susunod na baitang.

Public Domain Image

Hindi pa natatapos diyan. Maaari ding magpatulong sa asawa sa reading ng iba’t ibang forms gaya ng form 1, form 5 na dapat ay walang bura, form 10, form 9, consolidated grade sheets, at  class record.  Dapat ding may weekly outputs ang anak na mga magulang din ang magtse-tsek, na kailangan ding gawan ng rubrics.

Idinetalye rin ng guro ang magiging hatian ng suweldo.

“50 kayong lahat na maghati-hati sa sahod ko na 22, 316 pesos so meron kang 446.32 pesos sa isang buwan. Sabihin mo lang ha if nagawa mo na lahat kasi ibigay ko sa iyo ang 446.32 pesos kada buwan. Enjoy teaching ha, we know you are a great parent. DepEd needs you,” sabi ng guro.

Pahabol pa niya, “1/8 lang ‘yan sa mga gawain naming mga teachers ha, sabihan na lang kita sa iba pang gawain later kasi mag-online selling muna ako ah? #Baka akala ninyo ganoon lang kadali ang buhay ng isang guro.”

Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“May kulang pa, mag aral muna siya 4 years dahil k-12 na ngayon. Aral muna Grade 11-12 bago makapag-enrol ng college at ipasa ang BLEPT,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Kailangan din dumalo sila ng meetings, seminars o webinars (at least ngayon pwede Zoom, no need to travel) Remind them also they have to discipline their students who happen to be their children pero bawal punishment whether physical or verbal or any form of bullying.”

“Dapat hindi lang sa 50 students ang paghahati ng suweldo, example kung anim na section at tig-50 students so meron 300 lahat na parents ang gustong humati sa suweldo ng teacher, 22, 316 divide 300 bale nasa 74.39 lang budget ng anak niya, iyon lang bigay sa parents plus mga gawain natin na naka-enumerate diyan hehehe,” komento ng isa.

Matapos mabasa ang mga gawain ng isang guro, handa ka bang kumasa para dito?

Source :

Facebook

Loading…