Halos isang aksidente kada araw naitala ng MMDA mula nang ikabit ang bus lane concrete barriers sa EDSA

Screenshot mula sa GMA video
  • Nakapagtala ang MMDA ng halos isang aksidente kada araw simula nang ikabit ang concrete barriers bilang bus lane separator sa EDSA
  • Kadalasang dahilan ng aksidente ay overspeeding, paggamit ng cellphone habang nagmamaneho, nakainom at weather condition
  • Magdadagdag ng hazard markers ang MMDA sa ibabaw ng concrete barriers upang mabawasan o maiwasan ang mga aksidente

Araw-araw ay may naitatala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA na aksidenteng nangyayari sangkot ang bagong install na concrete barriers na ginawang separator para sa bus lane sa kaliwang bahagi ng EDSA.

Screenshot mula sa GMA video

Ang mga nasabing concrete barriers ay inilagay noong June 1 kung kailan sinimulan ang bagong bus lane scheme sa EDSA kasunod ng pagdedeklara ng general community quarantine sa Metro Manila.

“From June 1 to June 18 or 19, halos ang average natin, minimum of one per day. Mga naka-20 tayo diyan, almost 20 na aksidente,” lahad ni Bong Nebrija, ang MMDA traffic head para sa EDSA.

Alam umano ng MMDA ang reklamo ng mga motorsita tungkol sa concrete barriers, pero ipinaliwanag niya na ang ganitong barriers bilang lane separator ay ginagawa kahit saan, hindi lang dito sa ating bansa.

May hazard markers namang nakalagay sa mga concrete barriers na makikita ang mga motorista.

Sabi ni Nebrija, ang kadalasang dahilan ng aksidente ay pagmamaneho ng nakainom, paggamit ng cellphone habang nagmamaneho, overspeeding at weather condition. Itinuturing na “self-accident” ang mga insidente dahil mag-isang sumemplang ang mga sasakyan at walang ibang behikulog nadamay. Madaling-araw kadalasang nangyayari ang aksidente.

Screenshot mula sa GMA video

Ayon sa Philippine Advocates for Road Safety (PARS), mababawasan ang aksidente kung maglalagay ng sapat na bilang ng warning signage bago pa man dumating sa starting point ng concrete barriers.

“Kailangan masanay natin o ma-influence natin ‘yung behavior ng mga motorista na huwag silang papasok doon sa left lane,” sabi ni Jun Estallo, ang PARS National Capital Region chapter president.

Inirekomenda ni Estallo ang paglalagay ng maliwanag na blinkers bilang warning signage ilang metro pa ang distansya bago marating ang unang barrier, katulad ito ng mga ginagamit na warning signs kapag may road repair.

“OK ‘yung paglagay ng reflectorized na barrier, pero at a certain distance, once you approach the concrete barrier, kailangan may early warning ka na sana. Dahil hindi lahat ng driver pamilyar doon sa concrete barrier na nilalagay, o maaari kung first timer siyang dumaan sa EDSA, o ‘yung iba nagmamadali,” paliwanag ni Estallo.

Nangako ang MMDA na maglalagay ng mga karagdagang hazard markers sa ibabaw ng concrete barriers upang madali silang makita ng mga motorista lalo na sa gabi.

Screenshot mula sa GMA video
Source :

Inquirer, ABS-CBN

Loading…