Handa ka bang gawing pet ang “giant house rabbit” sa bahay mo?

  • Kinagiliwan ng mga netizens ang larawan ng isang dambuhalang kuneho sa social media
  • Larawan iyon ni “Cocoa Puff” na pet ng isang pamilya sa Washington, USA
  • Si Cocoa Puff ay isang halimbawa ng Fleming Giant House Rabbit o tinatawag ding “Gentle Giant”

Nakapag-alaga ka na ba ng kuneho sa bahay bilang pet? Eh paano kung giant house rabbit ito?

Kinatuwaan ang larawan ng giant house rabbit o na pinangalanang “Cocoa Puff” na pet ng isang pamilya sa Seattle, Washington sa USA kung saan makikitang kasinlaki na ito ng isang pet dog. Makikita ito sa Facebook page na “Funniest Family Moments” kung saan itinampok nila ang isang kuwento sa “The Epoch Times”.

Imahe mula sa Facebook account ni Cocoa Puff the Giant Rabbit

Ang nakatutuwa rito, may sariling Facebook at Instagram account ang naturang huge bunny na talaga namang kinagigiliwan ng mga netizens. Hindi raw nila ito kinukulong sa cage at hinahayaan lamang magpagala-gala sa kanilang tahanan at bakuran.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Wow! That’s the largest bunny I’ve ever seen in my life! What do they eat that they grow THAT big?” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Wow, baka matakot ang mga aso at pusa sa laki ng mga bunnies! Sana may ganiyan din sa Pilipinas. Naalala ko tuloy ‘yung mga pet bunnies ko.”

“So awesome from what I know they, especially that breed, are great indoor pets and at least as smart as cats,” pagbabahagi naman ng isa.

Ang mga Flemish Giant House Rabbit ay sinasabing “ancestor” o ninuno ng mga breeds ng rabbit sa buong mundo katulad ng Belgian Hare. Sinasabing nagmula ito sa bansang England at Belgium at dinala ang ilan sa  America noong taong  1890’s.

Tinatayang aabot sa 19.8 pounds ang timbang ng isang Cocoa Puff o katumbas ng isang lumalaking sanggol. Tinatawag din itong “Flemish Giant Rabbit” na matatagpuan sa mga bansa sa Europa at America.

Imahe mula sa Facebook account ni Cocoa Puff the Giant Rabbit

Tinatawag din ang mga rabbit na ganito na “Gentle Giants”.

Loading…