Hiling ng PWD na anak na magkaroon ng aalagaang biik, tinupad ng social worker; Nanay, tuwang-tuwa

  • Pobreng nanay, nalungkot nang hindi natupad ang hiling ng anak na magkaroon ng aalagaang biik
  • Nalaman ni SLP PDO Roma Joy Olivar ang pangyayari
  • Nag-ambag ang pamilya ni Roma para maisakatuparan ang hiling ng PWD

Anumang pagnanais ng mga magulang na maipagkaloob ang nais ng anak, kung talagang walang-wala ay mahirap itong maisakatuparan. Uunahin kasing bilhin ang mga pangunahing pangangailangan kagaya ng pagkain.

Image by DSWD CAR via Facebook

Mahirap lamang ang pamilya ni Manang Marietta mula Brgy. Laco, Kabugao, Apayao  at kabilang siya sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng pamahalaan kaya’t kahit na gusto niyang tuparin ang hiling ng kanyang anak na magkaroon ng aalagaang biik ay hindi ito magawa.

Pagbabahagi ng DSWD CAR, nadismaya at nalungkot ang ina dahil sa pangyayari.

Mabuti na lamang at may mga Mabubuting Samaritano na handang tumulong. Nabanggit sa FB post na napag-alaman ng isang DSWD official ang pangyayari kaya’t gumawa siya ng paraan para matulungan ang pamilya.

Nag-ambag-ambag sina Social Livelihood Program Project Development Officer Roma Joy Olivar kasama ang kanyang pamilya para maisakatuparan ang hiling ng anak ni Nanay Marietta.

Makikita sa larawang ibinahagi ang pormal na turn-over ng biik sa nanay ng PWD na labis ang kaligayahan sa pagkatupad ng hiling ng pinakamamahal na anak.

Mababasa sa post, “Nag-ambag ambag sila Roma at ang kanyang pamilya ng malaman na hindi nabili ni Manang Marietta ang hiling na biik ng kanyang anak na PWD.

“Ang pagkadismaya at lungkot ay napalitan ng abot langit na pasasalamat dahil sa mabuting kalooban ni Roma at ng kanyang pamilya.”

Nag-trending naman ang kabutihang ginawa ng social worker at marami ang pumuri dito.

Image by DSWD CAR via Facebook

“Awesome! God bless you ate Roma,” sabi ng isa na nilakipan ng maraming heart emoticon. “Nice job Ma’am Roma. Keep safe and God bless you more,” komento ng isa pa.

Tunay ngang kakaiba ang nagagawa ng buong pusong pagtulong sa kapwa, good work po Ma’am Roma. Sana’y pamarisan po ng iba ang inyong ginawa.

Image by Pixabay
Source :

Facebook

Loading…