How to annoy gamers 101?: Video ng unboxing ng PS4 Pro ni Matteo Guidicelli umani ng libo-libong dislikes

Screenshot mula sa unboxing video ni Matteo Guidicelli
  • Unboxing video ni Matteo Guidicelli umani ng libo-libong dislikes
  • Inamin ni Matteo na iyon ang kauna-unahan niyang unboxing video at hindi siya magaling sa ganoon
  • Dahil sa paraan ng unboxing, pati ugali ni Matteo ay hinusgahan na rin ng ilang netizens

Viral ngayon, pero sa mga maling dahilan, ang video ng Filipino-Italian actor at former Kart racer na si Matteo Guidicelli kung saan ipinakita niya ang unboxing ng popular na gaming console na Playstation 4 Pro (PS4 Pro) na may 1 terabyte hard drive.

Screenshot mula sa unboxing video ni Matteo Guidicelli

Sa halip na matuwa sa kanyang unboxing video ay maraming netizens ang tila nainis pa sa kanyang ginawa kaya umani ito ng napakaraming dislikes.  Habang isinusulat ang istoryang ito ay mayroon na itong mahigit 50,000 dislikes kontra sa 7,800 likes. Nasa 1,134,731 ang nakapanood ng video.

“Been watching unboxing videos way back since YouTube made it a thing. Never seen anybody trashed it the way Matteo did. Literally and figuratively,” puna ng isang netizen sa video ng kabiyak ni Sarah Geronimo.

Sa video ay inamin naman ng aktor na iyon ang kanyang kauna-unahang unboxing video at hindi siya magaling sa ganoon.

Hindi kataka-taka kung sakaling maraming viewers ng video ang “nahindik” o “napailing” dahil walang ingat na pinunit ni Matteo ang sleeve o protective jacket ng box ng PS4 Pro. Huli na nang mabasa niya ang nakasulat sa likod ng sleeve – “Please keep the sleeve for extended warranty service.”

Screenshot mula sa unboxing video ni Matteo Guidicelli

“I just broke it sorry,” sabi niya nang mapagtanto kung ano ang nagawa niya.

“Yup I’m not good at unboxing. This is my first time, maybe later I can learn,” paliwanag pa niya at saka idinagdag na ang huling Playstation niya ay ang PS1 noong 8 years old pa lang daw siya.

May mga nagsabing mukhang hindi nai-enjoy ni Matteo ang ginagawang unboxing. Sa tingin ng iba ay parang hindi naman siya excited na magkaroon ng PS4 Pro batay na rin sa kanyang tila padabog na paglalapag sa table ng mga laman ng box.

Nang  maubos na ang laman ng box ay sinubukan niyang basahin ang ilang instructions na nakasulat doon, pero hindi niya tinapos at inihagis na lang iyon sa sahig.

“I  really don’t like reading instructions,” sabi ng aktor.

Screenshot mula sa unboxing video ni Matteo Guidicelli

Narito ang ilan pang mga komento mula sa mga netizens:

“My heart got torn apart with the box.”

“Unboxing, Matteo, hindi boxing. Palaban ka naman masyado. Kalma lang hahahahahahaha.”

“Matteo be like : How to annoy gamers 101?”

“LOL people are defending Matteo for that unboxing aka durability vid. LMAO. Unboxing vids are to give information to the public, how to handle the product and how to use it afterwards. if that’s how he handle products, may kukuha pa kaya sa kanya for sponsorship? Ummmmmm.”

Dahil sa paraan niya ng unboxing, hinusgahan na rin ng ilang netizens pati ang ugali niya. Mukhang may katwiran nga raw ang nanay ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine na hindi boto sa kanya.

Panoorin ang unboxing video ni Matteo:

Loading…