How You Like That: New single ng Blackpink na-break ang Youtube records ng “most views in 24 hours”

Imahe mula sa Facebook page ng Blackpink
  • Nakagawa ng bagong record sa YouTube ang “How You Like That” single ng K-pop girl group na Blackpink
  • Humakot ang single ng 82.4 million views sa unang 24 oras nito sa YouTube
  • Naagaw nito ang korona sa dating record holder na “Boy With Luv” ng Korean boy band na BTS

Sulit ang mahigit isang taong paghihintay ng mga masugid na followers sa pagbabalik ng kanilang iniidolong K-pop girl group na Blackpink. Noong June 26 ay inilabas ng grupo sa YouTube ang record-breaking single nilang “How You Like That.”

Imahe mula sa Facebook page ng Blackpink

Naungusan ng “How You Like That” ang dating record holder ng most views in first 24 hours of release sa YouTube, ang “Boy With Luv” ng Korean boy band na BTS.

Humakot ng 82.4 million views sa first 24 hours nito sa YouTube ang bagong single ng Blackpink nang i-release ito dakong alas-sais ng gabi noong Biyernes. Nananatili pa rin ito ngayong Number 1 trending sa nasabing video-sharing platform makalipas ang dalawang araw.

Umarangkada rin ito bilang fastest video sa kasaysayan ng YouTube na nagkaroon ng 100 million views. Habang isinusulat ito ay mayroon nang 116,602,700 views na patuloy na nadaragdagan sa pag-usad ng mga oras.

Ang How You Like That na tatlong minuto ang haba ay ginawa para sa global fans ng grupo. Ginamitan nila ito ng lyrics na pinaghalong English at Korean.

Imahe mula sa Facebook page ng Blackpink

“The latest from these K-pop titans is actually a sleight of hand. It starts off pop, but on the chorus, the beat changes up and suddenly it’s all swagger, with some hot rapping and a grinding beat — and a much more aggro attitude than we might have come to expect,” sabi ni Jem Aswad ang senior music editor ng Variety.

Sina Jennie, Rose, Lisa, at Jisoo, ang bumubuo ng Blackpink, ay nakipag-collaboration kay Lady Gaga sa kantang “Sour Candy” na na-release noong nakaraang buwan. Nag-number 1 iyon sa Spotify Philippines Top 50 Chart.

Panooring ang record-breaking video ng How you Like That via YouTube na ngayon ay #1 na sa trending:

Loading…