Hulicam: Unauthorized bus pilit na pumasok sa EDSA Busway, 2 militar na pasahero nito inalis ang concrete barrier

Screenshot mula sa MMDA video
  • Isang hindi awtorisadong bus ang nagpumilit na makapasok sa EDSA Busway, nahulicam
  • Kita sa video na pilit na idinaan ng driver ang Ceres Liner bus sa pagitan ng mga concrete barriers
  • Hindi nagkasya sa espasyo ang bus at dalawang lalaki na naka-military uniform ang bumaba ng bus at inalis ang concrete barrier

Iniimbestigahan ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isang hindi awtorisadong bus na nahulicam na pilit pumasok sa EDSA Busway o ang designated lane para sa mga city buses at MRT augmentation buses.

Screenshot mula sa MMDA video

Nakita sa video ng MMDA na ang isang Ceres Liner bus na ginagamit umano bilang shuttle bus ay nagdulot ng trapiko sa EDSA nang mula sa kanang bahagi ng kalsada ay pilit tinatawid ang buong lapad ng EDSA upang makalapit ito sa EDSA Busway na nahaharangan ng mga concrete barriers.

Nakakita ng espasyo ang driver ng Ceres bus sa pagitan ng mga concrete barrier upang makapasok sa EDSA Busway, subalit hindi ito nagkasya. Dalawang pasahero nito na nakasuot ng military uniform ang bumaba at inalis ang nakaharang na concrete barrier para makapasok ang bus na sinasakyan nila.

Nagbara ang EDSA Buswaydahil sa pasaway na bus.

“Wala naman tayong entry point doon and yet pinilit niyang pumasok. Ginamit pa niya iyong military escorts niya na i-move ang barrier para magkasya siya,” sabi ni MMDA EDSA traffic chief Bong Nebrija.

“Ang authorized lang dito ay ‘yung city buses and for now, ‘yung MRT bus augmentation. Definitely he’s not part of the EDSA carousel route or the MRT bus augmentation,” dagdag pa ni Nebrija.

Screenshot mula sa MMDA video

Nahuli naman ng  mga awtoridad at naisyuhan ng citation ticket ang driver ng Ceres bus, subalit matapos ma-review ang video ay may iba pang paglabag na nakita kaya’t madadagdagan pa ang kaso nito.

“Papatungan pa namin ng reckless driving. Ang balak ni MMDA General Manager Jojo Garcia is ma-sanction ‘yan, i-show cause order ng LTO o LTFRB the owner and the driver,” sabi pa ni Nebrija.

Iimbestigahan naman ng Joint Task Force OVID Shield ang dalawang lalaki na naka-military uniforms na nagtanggal ng concrete barrier para makapasok ang Ceres bus sa EDSA Busway.

Screenshot mula sa GMA video

Loading…