Huwag umasa: Wala pa ring magaganap na pagluluwag ng quarantine sa Metro Manila – DILG Usec. Malaya

Screenshot mula sa CNN PH video
  • Sa opinyon ni DILG Usec. Malaya, wala pang aasahang pagluluwag ng quarantine sa Metro Manila
  • Ito ay dahil umano sa maraming COVID-19 infections sa area
  • Maaari namang iapela ng mga local government units  kay Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang rekomendasyon ng IATF

Wala pa ring aasahang pagluluwag ng mga quarantine restrictions sa buong Metro Manila sa katapusan ng buwan; pahayag ng isang opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Screenshot mula sa CNN PH video

Naniniwala si DILG Undersecretary at Spokesman Jonathan Malaya na dahil sa kasalukuyang dami ng mga COVID-19 cases sa Metro Manila ay malabo pang luwagan ang umiiral na general community quarantine (GCQ) status.

“Dito sa Metro Manila, nakikita natin ang situwasyon. Huwag na po tayong umasa na magkakaroon ng easing of quarantine,” pahayag ni Usec. Malaya.

Gayunman, nilinaw ng opisyal na ang kanyang tinuran ay personal lang niyang opinyon.

Aniya, patuloy pa rin naman ang ginagawa nilang pangangalap ng mga datos sa pamamagitan ng isang technical working group na gagawa ng mga rekomendasyon para sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

“Meron po tayong tinatawag na Technical Working Group on Data Analytics at sila’y nagbibigay ng recommendation sa IATF. Itong mga rekomendasyon ay binibigay sa ating Pangulo. At napag-usapan po doon sa meeting ng IATF na it will be the President who will make that announcement,” paliwanag niya.

Screenshot mula sa video ng DZBB

Tiniyak ni Usec. Malaya na ang lahat naman ng ginagawang desisyon ng IATF hinggil sa mga quarantine measures ay ibinabatay sa scientific data.

Maaari namang iapela ng mga local government units ang anumang rekomendasyon ng IATF kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Dumepensa at nagpaliwanag din si Malaya sa sinasabi ng mga kritiko na paggamit ng militar sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Sabi niya, may mga taong matitigas ang ulo at hindi nag-iingat. Ito, aniya, ang dahilan kung bakit kinailangang mag-deploy ng mas maraming mga pulis at sundalo upang pigilan ang COVID-19 transmission.

Public domain image

Loading…