Ilang miyembro ng LGBT community, rumampa habang nagre-repack ng relief goods sa Sultan Kudarat

  • Tumulong at naghatid ng saya ang ilang miyembro ng LGBT community para sa pagsasagawa ng relief operations sa Sultan Kudarat
  • Sa mga larawang ibinahagi ng ABS-CBN, makikita ang mga miyembro ng LGBT na nagbubuhat ng mga sako ng relief goods suot ang kanilang mga pangrampang OOTD
  • Napagkatuwaan lang umano nila na magsuot ng dress at costume upang matanggal ang pagkabagot habang nagre-repack

Tumulong at naghatid ng kakaibang tuwa ang ilang miyembro ng LGBT community sa Sultan Kudarat sa pagsasagawa ng relief operations sa kanilang lugar.

Imahe mula sa ABS-CBN News

Sa mga larawang ibinahagi ng ABS-CBN, makikita ang pagtulong ng mga miyembro ng LGBT community sa pagbubuhat at pagre-repack ng relief goods para sa mga kababayan.

Agaw-pansin ang mga ito sa social media dahil sa suot nilang mga pangrampang kasuotan.

Tila hindi rin nila alintana ang sako-sakong bigat ng mga bitbit na pagkain dahil nagagawa pa rin nilang ngumiti at mag-pose, base sa mga larawan na kumakalat ngayon sa social media.

Ayon sa isa sa mga miyembro ng LGBT community at volunteer sa nasabing relief operation na si Britney Sujede, naisipan nilang magsuot ng dress at costume upang magbigay-aliw sa ibang tao at mawala ang pagkabagot ng mga nagre-repack.

Giit ni Britney, maging ang mga katulad niya ay may nagagawa para sa ikabubuti ng kanilang komunidad.

“Hindi lang kami basta bakla lang, dahil kami ay may maiaambag din sa komunidad,” sabi ni Sujede.

Marami naman ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa grupo at naglahad ng kanilang saloobin sa comment section ng post.

“Bakla man sila sa inyong paningin, nakatutulong pa rin. Good job, mga beks,” ani AG.

Imahe mula sa ABS-CBN News

“Very proud of your beauty and poise and with your kind hearts for the people you are helping. May our Lord bless you more. Keep the attitude alive and be proud of your self because you ladies are beautiful inside and out. Thank you, ladies,” sabi ni JL.

“There is a reason why I love being with LGBTQ. They sure know how to put a smile or even laughter on a lot of people. Kudos to all of you. God bless,” ayon naman kay JV.

Source :

Facebook

Loading…