Internet personality na si Bogart the Explorer sa mga hindi makapag-e-enroll ngayong taon: “There’s always next year”

  • May payo ang TV, radio, at online personality na si Bogart the Explorer sa mga hindi makapag-e-enroll ngayong taon
  • Inihayag niya ang nangyari sa kanyang landas bilang estudyante kung saan napagtanto niyang may oras para sa lahat
  • May susunod na taon pa naman daw para mag-aral at mahalagang maging ligtas sa mga panahong ito

Dahil sa pandemya, naurong ang pasukan ng mga bata sa eskwela. Imbes na Hunyo, inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) na sa Agosto na raw babalik ang klase. Ngunit bilang bahagi ng new normal, hindi muna sa mga classroom papasok ang mga bata, kung hindi sa pamamagitan muna ng online at module-based classes.

Pero kahit mayroong mga alternatibong solusyon ang DepEd para sa edukasyon ng mga bata, marami pa rin ang may agam-agam lalo na ang mga magulang kaya ang desisyon nila, hindi muna papasukin ang mga bata ngayong taon. May ilang working students din sa kolehiyo na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya kaya naman hihinto rin muna sila pag-aaral ngayong taon.

Larawan mula sa Facebook page ni Bogart the Explorer

Para sa mga bata at mag-aaral na gusto talagang pumasok sa eskwela, nakadidismaya talaga ito. Ngunit isang payo ang ibinigay ng radio DJ, TV production member, at online personality na si Bogart the Explorer tungkol sa mga makaka-miss ng school year ngayon.

Sa isang viral Facebook post, inihayag ni Bogart ang kanyang naging landasin sa eskwela. Consistent honor student daw siya at naging iskolar ng bayan sa University of the Philippines – Diliman. Ngunit ang dating aktibo sa eskwela ay naging bulakbol at na-drop ang lahat ng subject niya sa kolehiyo.

Hindi niya raw alam ang nadarama niy noon pero ang sabi niya, mukhang napagod siya sa pag-aaral. Kahit daw achiever siya, hindi naman niya ramdam ang tunay na saya. Dahil hindi nakapag-aral ng kolehiyo, naging street vendor daw siya at palipat-lipat ng trabaho.

Unti-unti niya raw inayos ang sarili at naging call center agent, hanggang nakapasok bilang production assistant, radio DJ, video director, negosyante, at ang Bogart the Explorer na kilala natin ngayon. Kahit daw nahinto siya sa pag-aaral, may dumating naman daw na mga oportunidad.

Larawan mula sa Facebook page ni Bogart the Explorer

Sa kanyang post, gusto lang daw iparating ni Bogart sa lahat na may susunod na taon para sa mga hihinto. Hindi raw natatapos sa taong ito ang oportunidad. Ang mahalaga raw ay ligtas at malusog ang pamilya.

“So don’t worry about missing school this year. There’s always next year. As long as you and your loved ones are still healthy and alive, anything is still possible. You’ll still become who you were meant to be. Even if you don’t know it yet,” hayag ni Bogart.

Basahin ang kabuuan ng post ni Bogart:

Loading…