Iskultor, lumilok ng 6-meter-high health worker statue bilang parangal sa mga health frontliners

Imahe mula sa Instagram account ni Aigars Bikse
  • Isang malahiganteng rebulto ang ginawa ng isang iskultor bilang pagbibigay-pugay sa mga health workers na sumasagupa sa COVID-19
  • Ang rebulto ay may taas na anim na metro na nabuo sa loob ng tatlong buwan
  • Tinawag na “Medics to the World” ang rebulto na likha ni Latvian artist Aigars Bikše

Isang rebulto ang ginawa ng isang Latvian sculptor bilang pagbibigay-pugay sa mga health care frontliners na handang itaya ang sariling buhay sa pagsagupa nila sa coronavirus.

Imahe mula sa Instagram account ni Aigars Bikse

Ang rebulto ay idinisenyo at nililok ni Aigars Bikše, ayon sa Public Broadcasting ng Latvia.

Ang rebulto ng babaeng health worker na nakatayo, ang mga kamay na may gloves ay nakabuka habang nakatingin sa kalangitan, may suot na kulay puting lab gown, naka-face mask, may hairnet at may nakasabit na stethoscope sa balikat ay tinawag na “Medics to the World.”

Anim na metro o halos dalawampung talampakan ang taas ng estatwa na tatlong buwang ginawa ni Bikse.

Sabi ng iskultor, dahil sa tatlong buwang lockdown at ang takot na naramdaman para sa kanilang mga sarili ay nagbago ang pananaw ng mga tao sa mga doktor, nurse at iba pang medical workers.

“Many just now for the first time in their lives realized the vital importance of medical staff,” anang Latvian artist na isa ring art professor.

Naisakatuparan ang paglilok sa rebulto dahil sa suportang ibinigay sa pamamagitan ng mga donasyon mula sa 20 local companies, sabi ni Bikše.

Screenshot mula sa video ng EditorJi

Nagpahayag ng pasasalamat sa rebulto si Dita Raiska, ang presidente ng Latvian Nurses Association. Aniya, ang pangunahing bayani sa pandemic ay ang mga medical staff na isinuong sa panganib ang kanilang buhay upang mapreserba ang kalusugan ng sangkatauhan.

“I am pleased that the Latvian people are aware of this responsibility and I am pleased to see that the people have appreciated our work,” ani Raiska.

Sinabi ni Bikse na na-inspire siyang gawin ang Medics to the World statue dahil sa nakikita niyang “heroic sacrifices” ng mga health workers sa pagsagip sa mga pasyente.

“I understood that I, as an artist, as a sculptor, should say something,” wika ni Bikše.

Imahe mula sa Facebook account ni Aigars Bikše

Loading…