“It’s easy to criticize”: Arroyo pinuri ang performance ni Duterte kontra COVID-19

Image by Gloria Macapagal Arroyo via Facebook
  • Sabi ni dating Pangulong Arroyo, mas madali ang pumuna kapag wala sa aktuwal na arena
  • Pinamunuan ng dating Pangulo ang bansa kontra SARS pandemic noong 2003
  • Pinapurihan niya ang naging performance ni Pangulong Duterte kontra COVID-19

Mas madali ang pumuna kapag nakaupo ka sa gilid pero kapag ikaw na ang nasa aktuwal na arena ay magbabago ang iyong perspektibo.

‘Yan ang pahayag ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang pag-alaala sa kanyang karanasan noong pinamunuan ang bansa kontra 2003 SARS pandemic.

Image by Gloria Macapagal Arroyo via Facebook

“I have been in the arena, so I think I have earned the right to say that an ounce of their effort is worth more than the ton of criticism they receive day in and day out,” wika nito.

Pinapurihan ni Arroyo ang naging performance ni Pangulong Rodrigo Duterte na aniya’y nakahandang maging matatag at gumawa ng mabilisang aksyon sa gitna ng mga kritisismong natatanggap.

Mataas aniya ang respeto niya kina Duterte, Secretary Carlito Galvez ng Interagency Task Force, Health Secretary Francisco Duque at lahat ng frontliners na siyang nasa arena sa pakikibaka sa COVID-19.

Kaparehong respeto umano ang meron siya sa mga sibilyan na malaki ang kontribusyon para patuloy na gumalaw ang bansa kagaya ng pag-deliver ng goods, pagpapanatiling bukas sa mga bangko at iba pa.

Imahe mula sa PCOO

Paliwanag ng dating pangulo sa naging performance ni Duterte na aniya’y ginawa ang nararapat at kailangang hakbang, “The first case of COVID-19 was in November of 2019. Now, 7 months later, the global picture for COVID-19 is emerging.

“As the results now show, I think that we can hold our heads up high given our country’s performance.”

Dagdag nito, nakapagtala na ng 31,825 kaso ang bansa noong June 24 at may 1,186 fatalities o 3.7 percent ratio. Mas mababa ito kumpara sa 5.2 percent ng United States at 5.3 percent ng mundo sa pangkalahatan.

Loading…