James at Nadine, nagkabalikan? Tagahanga naglabas ng ebidensya

  • Nagkabalikan na sina James Reid at Nadine Lustre?
  • Ibinahagi ng isang fan ang mga social media posts ng dalawa kung saan mukhang naroon sila sa iisang lokasyon
  • Maraming tagahanga ng JaDine ang naniniwalang magkakaroon ng forever para sa dalawang artista

Isa ang tambalang JaDine nina James Reid at Nadine Lustre sa mga pinakasikat na love team sa Pilipinas kaya’t hindi nakapagtataka na maraming tagahanga ang nalungkot nang bumungad nitong Enero ngayong taon ang kompirmasyong hiwalay na ang dalawa.

Image by Official JaDine via Instagram

Tinawag pa ng marami ang JaDine bilang “Team Real” dahil sa totoong magkarelasyon na ang mga ito noong sunod-sunod ang mga proyekto nilang magkasama.

Kamakailan lamang, umugong ang bali-balita na muling nagkabalikan ang dalawang artista at naglabas pa ng ebidensya ang isang netizen bilang patunay na maaaring magkasama sina James at Nadine ngayong quarantine period.

Ibinahagi ni Ericka Landingan sa Facebook ang mga social media posts nina James at Nadine na mukhang magkatabi ang mga ito at naroon sila sa bahay ng binatang aktor.

Nasa sala ang aktor at nakahiga sa pulang sopa na kahawig ng kinahihigaan ng aktres. Mapapansin din na magkapareho ang alpombra o carpet sa lokasyon kung saan kinunan ang mga larawan.

Kapsyon ni Ericka, “Huli pero ‘di kulong! Hahaha. My JaDine Heart!.” Habang ipino-post ito, nakakuha na ang update ng higit 2,200 reaksyon at nasa 19,000 pagbabahagi sa Facebook.

Marami naman ang nagsabing umaasa sila na totoong nagkabalikan na ang JaDine, at ‘pag ganon ay maniniwala na umano sila sa forever.

“Maniniwala na ba uli ako sa forever? Hahahaha.”

Mayroon ding nagsabing mas matamis ang pag-iibigan sa ikalawang pagkakataon.

Image by Ericka Landingin/James Reid via social media

Matatandaang naging emosyonal si Nadine sa isang episode ng talent search na “Your Moment” dahil sa Labyrinth’s Jealous performance ng dating magkasintahan na magkasamang nagtanghal.

“May magic talaga kayong dalawa. Yung song choice ninyo is a very emotional song. Kahit ako kanina, nararamdaman ko. Iniiyakan ko rin kasi iyang song na iyan dati, iyong meaning niya talaga ay sobrang sakit.”

Partikular niyang binanggit ang lyrics ng kanta na, “It’s hard for me to say, I’m jealous of the way you’re happy without me.”

Image by Ericka Landingin/ Nadine Lustre via social media

Loading…