Jodi Sta. Maria, Iwa Moto nag-TikTok kasama ang mga anak

Imahe mula sa Instagram | Iwa Moto
  • Muling napahanga ang netizens sa pagkakaibigan nina Iwa Moto at Jodi Sta. Maria
  • Nagbahagi kasi si Iwa ng TikTok video kasama si Jodi at ang kanilang mga anak na sina Mimi at Thirdy
  • Nasangkot sa kontrobersiya ang dalawa dahil sa kani-kanilang relasyon

Marami ang humanga sa TikTok video ng StarStruck alumna na si Iwa Moto hindi lamang dahil sa galing niyang umindak kundi dahil kasama niya roon ang dating nakaalitan na si Jodi Sta. Maria at ang kani-kanilang anak.

Imahe mula sa Instagram | Iwa Moto

Sa Instagram ay ibinahagi ni Iwa ang video na may caption na “Bonding.” Kasama nila rito sina Mimi, anak ni Iwa at Thirdy, anak ni Jodi.

Natuwa ang netizens na makita ang bonding na ito ng magkaibigan. “Ms. Iwa and Ms. Jodi, sobrang inspiring ng relationship ninyo. Sobrang mahal ninyo ang mga anak ninyo,” komento ng IG user na si Cecilia.

Naging kontrobersyal ang pagkakaibigan ng dalawa dahil inakusahan ng dating Kapuso actress si Jodi na nakikipag-relasyon sa kaniyang boyfriend kahit kasal na ito noon kay Pampi Lacson. Kalaunan ay naging magkarelasyon sina Iwa at Pampi.

Imahe mula sa Instagram | Iwa Moto

Ngunit noong 2013 ay nagkaayos ang dalawa. “It all started a few years back when she had just given birth to Mimi. And ayun, I reached out to her and congratulated her for their new baby, and I just sent a little something din,” sabi ni Jodi sa isang panayam noon.

Malaki rin ang pasasalamat ni Jodi dahil maganda ang relasyon ni Iwa sa anak niyang si Thirdy.

“Alam mo siguro, there’s no greater feeling na malaman mong ‘yong anak mo, minamahal siya,” ani Jodi.

“‘Yon nga ang sinasabi namin kay Thirdy. Hindi man nag-work out ‘yong sa amin ng Daddy niya, pero ‘yong little family namin, ‘yong blended family namin, ‘di ba parang mas dumami pa ‘yong mga taong nagmamahal sa kaniya,” dagdag pa noon ni Jodi.

Panoorin dito ang video:

 

View this post on Instagram

 

Bonding??

A post shared by Aileen Iwamoto (@iam_iwa) on

Loading…