JTF COVID Shield nagbabala sa mga private cars na sumasakop sa bicycle lane

Screenshot mula sa PTV video
  • Mga motoristang sumasakop sa bicycle lanes binalaan ni JTF COVID Shield commander P/Lt. Guillermo Eleazar
  • Dapat umanong respetuhin ng mga motorista ang espasyo para sa mga siklista
  • Nakatanggap ang task force ng maraming reklamo tungkol sa mga motoristang sumasakop sa bicycle lanes

Binalaan ni joint Task Force COVID Shield commander P/Lt Eleazar Guillermo ang mga motorista na sumasakop at gumagamit bilang parking space sa designated lanes para sa mga nagbibisikleta.

Imahe mula sa PNA

Nakatanggap umano sila ng maraming reklamo hinggil sa mga pasaway na driver ng mga sasakyan na sumasakop sa bicycle lanes para pumarada o kaya naman ay para mag-overtake, sabi ni Eleazar.

“The keyword here is respect. Just like drivers of trucks, buses and private vehicles, bicycle riders also have the right to use the roads especially if they are already allowed to go through bicycle lanes that have already been designated by the local government units,” anang opisyal.

“The use of bicycles as a mode of transportation is already beginning to become popular. We call on the motorists to get used to this by starting to respect the intended users of bicycle lanes,” dagdag  pa niya.

Ang bisikleta ay itinuturing na ngayon na isang mahalagang uri ng transportasyon lalo na’t limitado lang ang mga pampublikong sasakyan dahil sa umiiral na general community quarantine sa maraming bahagi ng bansa.

Screenshot mula sa PTV video

Ipinag-utos ni Eleazar sa Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) at sa mga local police chiefs na isama sa kanilang regular na pagpapatrulya ang paniniguro na hindi nagagamit na parking space ang bicycle lanes.

Kaugnay nito, umabot sa 40 motorista ang nahuli ng PNP-HPG na nagsagawa ng operasyon laban sa mga drivers na sumasakop sa bicycle lanes.

Sabi ni Eleazar, sana ay magsilbi itong aral sa mga motorista na respetuhin ang espasyo para sa mga siklista.

Imahe mula sa PNP-HPG
Source :

PNA, GMA Network

Loading…