June to August board exams, next year na magaganap ayon sa PRC

Image by Professional Regulation Commission via Facebook
  • Board exams na naka-schedule sana ngayong Hunyo hanggang Agosto, sa susunod na taon na magaganap
  • Ito’y napagdesisyunan ng PRC para sa kaligtasan ng mga examinees, examiners at maging ng kanilang empleyado
  • Pagtupad na rin umano ito sa mga patakarang ipinatutupad ng pamahalaan ngayong may pandemya

Sa susunod na taon na magaganap ang mga board exams na naka-schedule ngayong Hunyo, Hulyo at Agosto; ‘yan ay batay sa pinakabagong paabiso mula sa Professional Regulation Commission (PRC).

Image by Professional Regulation Commission via Facebook

Kabilang sa mga ipinagpalibang eksamin ang para sa environmental planners, guidance counselors, interior designers, landscape architects, mining engineers, at nutritionists-dietitian.

Postponed din ang board exams ng mga psychologists, psychometricians, social workers, veterinarians, master plumbers, mechanical engineers and certified plant mechanics, medical technologists o MedTechs, occupational therapists, physical therapists at sanitary engineers.

Saad ng PRC, napagdesisyunan nila ito para sa kaligtasan ng mga examinees, examiners at maging ng kanilang personnel; gayundin bilang pagsunod sa mga patakarang ipinapatupad ng pamahalaan ngayong pahanon ng pandemya.

“Due to government’s imposed restrictions and other unforeseeable circumstances because of extended community quarantines, and to ensure the health and safety of the PRC examinees, Professional Regulatory Boards (PRBs) and examination personnel, the conduct of the following scheduled August 2020 licensure examinations are hereby postponed,” anila.

Photo from Pixabay

Wala namang tiyak na araw kung kailan isasagawa ang mga eksamin na ipinagpaliban.

Naniniwala naman ang marami na tama lamang ang desisyon ng PRC dahil sa wala pang nadidiskubreng bakuna para sa COVID-19 at para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Sinabi naman ng ilan na magagamit nila ang oras para lalo pang pag-igihin ang pagrerepaso sa kanilang mga aralin para tiyak na nakahanda na sa oras ng eksaminasyon sa susunod na taon.

Ang PRC ay ahensya ng pamahalaan na may mandato na mag-regulate at mag-supervise sa pagsasanay sa mga propesyon sa bansa, maliban sa abogasya.

Image by Professional Regulation Commission via Facebook
Source :

PNA, CDODev, PRC Board

Loading…