Kaanak ni Dr. Jose Rizal, pinakiusapang tanggalin ang mga socmed posts laban sa pamahalaan

  • Ibinahagi ng descendant o apo ni Dr. Jose Rizal ang pagtanggi niya sa isang paanyaya ng Philippine Navy
  • Inanyayahan siya sa pagpapasinaya sa bagong vessel na nakapangalan sa pambansang bayani
  • Kailangan daw niyang tanggalin ang mga posts niya sa social media accounts na may himig-politikal at namumuna sa pamahalaang Duterte

Kilala ang pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal sa pagiging pro-aktibo sa pamumuna sa mga nangyayaring kabuktutan ng pamahalaan sa pamamagitan ng kaniyang “papel at panulat” na nagdulot ng pagkamulat sa mga Pilipino upang lumaban sa mga mapagsamantalang mananakop na Espanyol.

Tila ang prinsipyo at ideolohiya ni Dr. Jose Rizal ay namana ng kaniyang descendant o kaanak na si Jeremiah Villaroman matapos nitong isalaysay sa kaniyang Instagram story ang pag-anyaya sa kaniya ng Philippine Navy para sa pagpapasinaya ng pinakabagong vessel na BRP Jose Rizal—may pakiusap nga lamang na tanggalin niya ang mga social media posts na may himig-politikal at pamumuna laban sa pamahalaan.

Imahe mula sa Instagram at Twitter account ni JE Villaroman

“So I just got the most disturbing call. So the Philippine Navy is inaugurating a new vessel in honor of Jose Rizal on the 19th which happens to be his birthday, and calls were made to me and my cousins to attend, an effort for the younger generation of Rizals to step in as per the palace. I’m usually always game for functions like this but I’ve expressed my reservations for health’s sake,” salaysay ni Villaroman.

Sa kaniyang pagpapatuloy, “I got a call from my tita who has been in contact with their team to arrange everything for us. She mentioned that they did extra background checks on all the names submitted to Malacañang since I think the press will be invited too.”

Masyado raw politikal ang kaniyang mga posts sa social media accounts na inilarawan bilang “inappropriate” kaya pinakikiusapan siyang tanggalin ang mga ito.

Agad na nagpadala ng text message si Villaroman sa kaniyang tiyahin.

“Hi tita hope they see the irony in all of this. I have no intention of staying silent when our basic human rights are being threatened. The man that they’re attempting to honor fought with a pen and a piece of paper and I choose to do so too with my phone. Count me out.”

Imahe mula sa Instagram account ni JE Villaroman

Bilang suporta sa kaniyang desisyong pagtanggi sa pakiusap ng Philippine Navy, binanggit niya ang ilang detalye sa batas ng 1987 Philippine Constitution hinggil sa malayang pamamahayag.

“Just a refresher for them. Section 4. No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances. – 1987 Philippine Constitution.”

Si Jeremiah Gabriel Villaroman o JE ay kilala bilang isang fashion at editorial photographer at vocal sa mahahalagang isyung panlipunan, gaya ng kaniyang lolong si Dr. Jose Rizal.

Loading…